• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GMA Network, muling humakot sa NYF TV & Film Awards: Docu-program ni ATOM, nakasungkit ng World Gold Medal para sa ‘Batas Bata’

TAAS-NOONG nag-uwi ang GMA Network ng pitong medalya – kabilang na ang isang World Gold medal – mula sa 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Ito ang unang pagkakataong nanalo ang lahat ng shortlisted entries ng GMA.

 

 

Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng anim na medalya ang GMA Public Affairs.

 

 

Muling nasungkit ng bi-monthly public affairs program na “The Atom Araullo Specials” ang World Gold Medal para sa dokumentaryong “Batas Bata” (Child’s Game) sa Documentary: Social Justice category. Ipinakita sa episode na ito ang pagsiyasat ni Atom Araullo sa buhay ng mga menor de edad na nasasangkot sa mga krimen at kaguluhan sa Maynila.

 

 

Nanalo rin ang “Hingang Malalim” (One Deep Breath) ng “The Atom Araullo Specials” ng Silver Medal sa ilalim ng Documentary: Human Concerns category. Tampok dito ang buhay ng mga Badjao ng Mindanao na ang kabuhayan ay ang pagsisid ng mga perlas.

 

 

Nag-uwi naman ng tatlong medalya ang flagship documentary program ng GMA Public Affairs na “I-Witness.”

 

 

Nasungkit ng dokumentaryo ni Atom na “Bawat Barya” (The Price of Dreams) ang Silver Medal sa Documentary: Social Issues category. Napanood dito ang kuwento ng dalawang batang lalaki na naghahanap ng mga barya sa maduming tubig pandagdag sa kita mula sa pangangalakal.

 

 

Nakakuha naman ng Bronze Medal ang mga dokumentaryong “Boat to School” ni Howie Severino at “Sisid sa Putik” (Rise from the Mud) ni Mav Gonzales.

 

 

Ipinapakita sa “Boat to School,” na nanalo sa ilalim ng Documentary: Heroes category, ang buhay ng mga estudyante sa Liaonan, Siargao na kinakailangan pang maglakbay sa dagat para lang makapunta sa eskuwelahan.

 

 

Tampok naman sa “Sisid sa Putik,” na nanalo ng Bronze Medal sa Documentary: Community Portraits category, ang lumang tradisyon ng mga residente ng Agusan Del Norte sa pagsisid sa tubig para makakuha ng putik na gagamitin sa pagtatanim ng frog grass.

 

 

Umarangkada rin sa global stage ang action-packed series ng GMA Public Affairs na “Black Rider” na nanalo ng Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category. Ito ay pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid.

 

 

Nagwagi naman ang dokumentaryo ng GMA Integrated News (GMAIN) na “Sundo: A GMA Integrated News Documentary” ng Bronze Medal sa News Program: News Documentary/Special category. Ito ang kauna-unahang news documentary na handog ng GMAIN 360. Kuwento ito ng mga Pilipinong naipit sa digmaan mula sa mga mata nina veteran journalists Raffy Tima at JP Soriano, at Video Journalist Kim Sorra.

 

 

Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga content mula sa mahigit 50 bansa. Ang GMA Network ang katangi-tanging local broadcasting company na mayroong shortlisted entries ngayong taon.

 

 

Para sa updates sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com at www.gtv.ph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]

  • NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad

    Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.     Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta.     Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung […]

  • Dahil nasa crucial age pa ang anak na si Night: RYZA, nahihirapang umalis kaya inaral kung paano tumakas

    NEXT chapter na ang pitong taong relasyon nina Ejay Falcon at Jana Roxas.     Pero ayon kay Ejay, sa March 25 na nga ang kasal nila at sa may Taguig nila ito gagawin.   Kahit na Bise-Gobernardor ng Mindoro, sa Manila na raw nila piniling magpakasal.     Ayon dito, “Mahihirapan kasi kapag ‘yung […]