• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan

SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan.

 

Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4.

 

May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit ang kanyang Achilles heel.

 

Lahad ng Senador, “Yung aking Achilles tendon e medyo may partial tear kaya kailangan ng operation.

 

 

“First day ko ng Alyas Pogi 4, kasama si Ara Mina at Epy Quizon. You know, may mga pangyayari na hindi mo maiiwasan kaya mangyayari talaga yun.

 

“Basta importante, ipagdasal nyo po na hindi naman ganoon grabe.

 

“Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na fifty percent ng aking Achilles heel, e, na-tear dahil sa pagtakbo. Dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo.

 

“Yun ang sinasabing na hindi na tayo bumabata, tumatanda na, but I am okay.

 

“Yun nga lang, yung healing time, medyo matagal-tagal. After the operation, medyo three to five months ang healing.”

 

Sasailalim sa mga tests si Senator Bong upang malaman kung kailangan siya operahan at kung kailan.

 

Inis siya siyempre dahil tiyak na magugulo ang kanyang schedule bilang artista at pulitiko dahil sa pagkakaospital niya.

 

Mabuti na lamang at nakumpleto ni Senator Bong ang taping niya para sa season 2 ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ bago nangyari ang insidente.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Mga anak ni Putin, matataas na opisyal ng Russia at kanilang mga kaanak, kasama sa bagong sanctions ng U.S. sa Russia

    HINDI na rin nakaligtas ang mga anak na babae ni Russian President Vladimir Putin matapos na magpataw pa ng panibagong mga sanctions ang Estados Unidos sa Russia.     Kaugnay pa rin ito sa mas lumalalang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Target ng mga bagong sanctions na ito ang mga anak […]

  • Sa muling pagsasama sa pelikulang ‘Un/Happy For You’: GERALD, full support sa balik-tambalan nina JOSHUA at JULIA

    DAHIL sa mga naunang pangyayari sa kanyang lovelife ay hanggang maaari ayaw nang ibahagi sa publiko ni Sunshine Cruz ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.   Matatandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan last 2022 ng magaling na aktres sa pulitiko na ngayong si Macky Mathay.   “After the very public relationship I had with my […]

  • Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer.       Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan.     Sa kanyang YouTube channel, […]