• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AMBS at ABS-CBN, nagkapirmahan na: Tumatak na Kapamilya serye nasa ALLTV na bukod sa ‘TV Patrol’

INANUNSIYO na ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporation ang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.

 

Ginanap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na ipalabas ang ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TV brand at ang longest-running primetime newscast sa bansa na ‘TV Patrol.’

 

Simula sa ika-13 ng Mayo, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinakapaboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa primetime pagkatapos ng ‘TV Patrol.’

 

Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar. Kinatawan ang AMBS nina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.

 

Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.

 

Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SECURITY GUARD, 2 PA TIKLO SA P6.9M DROGA SA CALOOCAN

    MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong sa drug suspects, kabilang ang 35-anyos na security guard matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City. Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcemt Group (PNP-DEG) Chief P/Lt. Col. Richard Ian Ang ang naarestong suspek na si alyas “Sahibad” ng […]

  • Celtics naka-2-0 lead na kontra sa Nets

    NAGTALA nang come-from-behind win ang Boston Celtics para muling itumba sa ikalawang pagkakataon ang brooklyn nets, 114-107.     Mula sa 17 points na kalamangan ng Brooklyn, hinabol ito ng Boston para iposte ang 2-0 lead sa kanilang serye.     Nagbuhos ng 19 points si Jayson Tatum para sa Celtics habang si Jaylen Brown […]

  • Hoping na maipalabas sa 70th birthday ng National Artist: ALFRED, labis-labis ang pasasalamat kay NORA sa pagtanggap sa ‘Pieta’

    SA storycon ng ‘Pieta’ na ginanap noong Biyernes sa Victorino’s Restaurant inamin ni Councilor Alfred Vargas na dream come true na makatrabaho sina Superstar Nora Aunor at Direk Gina Alajar.     Ang naturang pelikula ay ididirek ni Adolfo Alix Jr. at ang aktor din ang magpo-produce after ng matagumpay na ‘Tagpuan’.     Nilinaw naman […]