• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.

 

 

Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos na sa katunayan ay tumaas pa ang ani sa mga lugar na mayroong patubig.

 

 

Resulta aniya ito ng bagong farming techniques at pinahusay na irrigation system.

 

 

“Well, kung ang pag-uusapan natin ay bigas, sapat naman ang ating supply. Hindi kailangang mag-alala ang tao. Sa katotohanan, ‘yung mga area na may patubig, tumaas pa ‘yung ating naging ani, ‘yung tons per hectare natin,” pahayag ni Pang. Marcos.

 

 

Pero aminado ang Pangulo na sadyang maraming sakahan ang apektado ng tagtuyot, bagay na ginagawan na ng paraan ng gobyerno.

 

 

Sa pagtungo ng Pangulo sa Occidental Mindoro, personal nitong ininspeksyon ang pinsala ng matinding tagtuyot sa mga sakahan.

 

 

“Pero siyempre, marami pa. Kagaya dito, siguro mga 50 porsyento lamang ang irrigated at so, ‘yung iba talagang nahihirapan. Dito sa Occidental Mindoro, ang calculation namin, one percent lamang nung mga irrigated lands ang naapektuhan ng El Niño na talagang kailangan ng tulong,” dagdag pa ng Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

  • Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH

    NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan.     “Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga […]

  • Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.     Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng […]