Sa pagkakaalis ng video ng gender reveal: YASMIEN, nagulat sa rason na bullying and harassment
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI namin masisisi si Yasmien Kurdi kung magkahalong gulat at pagkainis ang naramdaman niya sa pagkakaalis sa Facebook at Instagram ng video ng kanilang gender reveal.
Ang rason umano? Bullying and harassment! Kaloka, di ba?
Kaya naman inilahad ni Yasmien sa kanyang Facebook page ang kanyang saloobin tungkol dito kalakip ang screenshot na ipinadala sa kanya ng diumano’y nagawa niyang paglabag sa patakaran ng community standards ng Facebook tungkol sa ipinost niya na gender reveal.
“Just last night we posted a video of our mini gender reveal and to our surprise this was taken down today on FB and IG due to bullying and harassment. We get reported a lot for wholesome contents,” umpisang lahad ni Yasmien.
Pagpapatuloy pa niya…
“Ang i-report n’yo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents.
“Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”
November last year nag-announce sina Yasmien at mister niyang si Rey Soldevilla, Jr. na magkakaroon na sila ng bagong baby.
Susundan nito ang panganay nilang anak na si Ayesha Zara na 11 years old ngayon.
At base naman sa gender reveal video nila na tinanggal nga ng FB at IG, babae muli ang magiging anak nina Yasmien at Rey.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Espesyal na pagbati ni DAVID kay SHAINA, kinakiligan ng netizens
MAY something ba kina David Chua at Shaina Magdayao? Espesyal kasi ang pagbati ni David ng happy birthday kay Shaina kung saan ibinahagi ni David ang ilang litratong kuha mula sa ginawa nilang birthday surprise kasama ang kanilang mga cast members ng kanilang Net25 sitcom na ‘Good Will’. May caption ang mga Instagram […]
-
34 bidders lumahok sa PNR-Calamba project
Nakatangap ang Department of Transportation (DOTr) ng 34 bidders para sa contract packages ng PNR-Calamba project kung saan inaasahang magsisimula ang construction sa susunod na taon. May anim (6) na lokal at labing-pito (17) na internasyunal na mga kumpanya ang lumahok sa ginawang bidding. Ang nasabing ginawang bidding ay para sa […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 14) Story by Geraldine Monzon
NAGULAT si Bernard nang tawagin siya ng matanda sa pangalan niya. Mula rito ay nalaman niyang ito ang ama ni Roden na dati niyang kaibigan at ka-officemate. Humakbang muli si Bernard palapit sa matanda. “What a small world, kumusta na po si Roden?” “Ahm…maayos naman siya…” “Good. Mabuti naman po at nakilala […]