Mag-lola todas sa sunog sa Caloocan, 9 pa sugatan
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
NASAWI ang mag-lola habang siyam pa ang sugatan, kabilang ang apat na kaanak ng mga nasawi at limang bumbero, sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng tanghali.
Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang 21-anyos na estudyanteng si Layla habang wala na ring buhay ang kanyang 84-anyos na lolang si Aling Purita nang matagpuan sa ibaba ng dalawang palapag na nasunog nilang tirahan sa 248 Marcela St. Brgy. 27 Maypajo.
Sa tinanggap na ulat ni Caloocan City Fire Marshal F/ Supt, Eugene Briones, kapuwa nasawi ang maglola bunga ng pagkakalanghap ng usok makaraang ma-trap sa loob ng bahay nang sumiklab ang apoy dakong alas-12:45 ng tanghali.
Bukod sa mag-lola, namatay din sa sunog ang 10 nilang mga alagang aso at pusa habang siyam ang nasugatan, kabilang si FO2 Nestor Siervo ng Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP), apat na fire volunteer, mga magulang ni Lyla na sina Epimaco at Lily, 54, at dalawa pa nilang kaanak.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:33 ng hapon na tumupok sa tinatayang P300,000 halaga ng ari-arian.
Ayon kay SFO3 Randel Angeles, wala namang iba pang katabing bahay na nadamay sa insidente habang inaalam pa ang pinagmulan ng sunog. (Richard Mesa)
-
Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia
HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo. Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses […]
-
Saso giniit ang pagiging Pinay
NAGING Japanese citizen simula nitong Enero si Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso. Pero habang-buhay pa ring giniit ng reigning world women’s golf No. 7 na may dugong Pinoy siya na ‘di niya kalilimutan. Klinaro ito ng 20-taong-gulang na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na Fil-Japanese Lunes sa isang […]
-
PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival. Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa […]