PBBM, target ang 10% ng sasakyan ng gobyerno na maging electric
- Published on May 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 10% ng government service vehicles ay maging electric powered.
‘Yes, targeting 10 percent of the fleet should be electric vehicles. Mayroon siyang pinasang inter-agency na led by the Department of Energy, and nandoon din iyong DBM (Department of Budget and Management) para maayos iyong procurement niya at para mag-comply,” ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.
”So when the President was looking into that, there was a thumbs up from DBM Secretary Amenah na it’s already in place,” aniya pa rin.
At sa tanong naman kung may timeline para sa mga government service, ang sagot ni Usec. Fuentebella, “yon nga, kasi iyong sa procurement timeline ‘no, ayaw kong makialam. I think every year kasi mayroon tayong procurement ‘no, so I just have to check on that. Sorry, hindi ko lang naano iyong timeline. Ayaw ko kasing magkamali ng bitawan ko.”
Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DOE at ang lahat ng concerned agencies na bilisan ang implementasyon ng action plans at estratehiya para i-develop ang electric vehicle industry sa bansa. (Daris Jose)
-
Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe
KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang […]
-
Halos 4M kabataan, nakinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng pamahalaan – DSWD
UMABOT na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan. Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan. Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng […]
-
DOTr: Paghuhukay ng tunnel sa Metro Manila Subway project, magsisimula na sa Dec
NAKATAKDA nang simulan sa buwan ng Disyembre ang paghuhukay ng tunnel para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Sector Cesar Chavez, base sa umano sa usapan nila sa Tokyo, Japan, sisimulan ang paghuhukay ng tunnel sa Brgy. Ugong, East Valenzuela sa Disyembre […]