• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalang baril ng lalaki buking nang masita sa yosi sa Caloocan

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 2, Bagong Silang, Brgy. 176 dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maispatan nila ang isang lalaki na naninigarilyo sa pampublikong lugar.

 

 

Dahil malinaw na paglabag ito sa umiiral na ordinansa sa lungsod, nilapitan siya ng mga pulis at hinanapan ng ID para maisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) subalit, biglang tumakbo ang suspek para tumakas.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis hanggang aksidenting matalisod ang suspek kaya nakorner siya at dito napansin ng mga arresting officer ang nakausling puluhan ng baril na nakasukbit sa kanyang kanang baywang.

 

 

Nang walang maipakitang mga dukomento hinggil sa ligaledad ng cal. 38 revolver na kargado ng dalawang bala na nakuha sa kanya ay binitbit ng pulisya ang suspek na si alyas ” Boy Armado”.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • Advocacy niya ang autism awareness and detection: HERLENE, pasok na sa official list of candidates ng ‘Binibining Pilipinas 2022’

    KABILANG na si Herlene  “Hipon Girl” Budol, sa official list ng 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022.     Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang number 67 na number niya sa final screening ng beauty pageant.     Ang layo na nga ng narating ng comedianne at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang […]

  • Ads August 25, 2022

  • WANTED SA MAYNILA INARESTO SA LEYTE

    LUMUWAS pa sa Southern Leyte ang Manila Police Distric (MPD) upang isilbi ang isang warrant of arrest sa isang lalaki na wanted sa pananaksak sa Tondo.     Kinilala ang suspek na si Benjie Caballegan, nasa hustong gulang, sa San Juan Southern Leyte noong Nob.25 .     Taong 2021 nang mangyari ang insidente sa […]