• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga

HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 sa Palon St., Brgy. 70 nang mapansin nila ang dalawang lalaki na kapwa walang suot na damit habang gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay tumakbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang maaresto.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tig-isang transparent plastic sachet na nagalaman ng aabot 2.55 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P17,340.

 

 

Sa Brgy. 12, nakuhanan naman ng nasa 5.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,360.00 ang dalawa ring lalaki matapos tangkain takasan ang mga tauhan ng Police Sub-Station 4 nang lapitan nila para isyuhan ng OVR dahil sa paglabag din sa city ordinance makaraang matiyempuhan nila na kapwa rin walang suot na damit habang naglalakad sa Bangayngay Street, alas-12:20 ng madaling araw.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na

    Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.   Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III.   Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong […]

  • Panukalang daylight saving time sa NCR, pag-aaralan pa – MMDA

    PINAG-AARALAN  ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region sa ilalim ng Alert level 1.     Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, inirekomenda na maaaring gawin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa gobyerno maging ang mga […]

  • Peak sa kaso ng COVID 19, maaaring mangyari sa unang linggo o ikalawang linggo ng Hulyo base sa projection ng OCTA Research

    NANAWAGAN ang OCTA Research sa publiko na mag-ingat sa gitna ng nakikita nitong pagtaas sa kaso ng COVID 19.     Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni  Dr. Guido David ng OCTA  na may  projection  sila o pagtataya na baka mangyaring maranasan ang peak sa kaso ng Covid-19 sa  first o second week ng […]