• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk 33, Lot 9, Area 2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Lumabas sa imbestigasyon na nag-iinuman ang mga biktimang sina  alyas Jan, 28, alyas Darwin, 21, at alyas Lean, 21, sa Hangout Resto Bar sa Brgy. NBBN nang magsimula umanong magpamalas ng karahasan ang suspek na umiinom naman sa kabilang mesa.
Nang pauwi na ang mga biktima dakong alas-6:45 ng umaga, hindi sinasadyang nasagi ni ‘Jan’ ang suspek na pasuray-suray na rin umanong palabas ng bar dahil sa kalasingan na dahilan upang magkaroon sila ng pagtatalo.
Umawat naman sina ‘Darwin’ at ‘Lean’ subalit, biglang bumunot ng patalim ang suspek at walang habas na pinagsasaksak ang tatlo bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.
Isinugod naman ang mga biktima sa Tondo Medical Center subalit, idineklarang patay na si ‘Jan’ habang patuloy pang ginagamot ang dalawa niyang kasama.
Kaagad na iniutos ni Col. Cortes ang pagtugis sa suspek at sa ginawang follow-up operation nina P/Capt. Archie Arceo, Commander ng Police Sub-Station 3, ay naaresto siya malapit sa kanyang tirahan.
Sasampahan ng kasong pagpatay at dalawang bilang na bigong pagpatay ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Other News
  • Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat

    ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente […]

  • Ads December 10, 2021

  • Jeric, naka-apat na international best actor awards: KEN, aabangan kung maitutuloy ang winning streak ni Direk LOUIE

    AFTER Jeric Gonzales, si Ken Chan na kaya ang next actor na magwawagi ng award para sa movie na dinirek ni Louie Ignacio?   Si Ken kasi bida sa upcoming directorial project ng premyadong director titled Papa Mascot.   Huling nakatrabaho ni Direk Louie si Ken sa MMFF 2021 entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions […]