• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIYEMBRO NG “ALVAREZ CARNAPPING GROUP” 1 PA, TIMBOG SA SHABU AT BARIL

ARESTADO ang dalawang umano’y sangkot sa illegal na droga kabilang ang aktibong miyembro ng “Alvarez Carnapping Group” na wanted din sa kasong robbery sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ericson Vistro, 25, ng Meycauayan, Bulacan at Leo Carroza, 52, ng 122 San Diego St. Rd. 1, I Marcelo, Brgy. Malanday.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Pamela Joy Catalla, bandang alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSMS Renato Santillan kasama si PCpl Randy Canton at PCpl Redentor Pellesco sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Ronald Snachez ang buy-bust operation kontra kay Vistro sa Road 1 Lingahan, Brgy. Malanday.

 

Nang tanggapin ni Vistro ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay siyang dinamba ng mga operatiba kasama si Carrazo.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 4 gramo ng shabu na nasa 27,200 ang halaga, isang revolver na kargado ng limang bala at isang basyo, buy-bust money P600 cash.

 

Kasabay nito, isinilbi din ng Intelligence Section sa pangunguna ni PCPT Marissa Arellano kay Vistro ang isang warrant of arrest sa kasong Robbery na inisyu ni Hon. Teresita Asuncion Rodriguez, Presiding Judge ng MTC Branch 82, Valenzuela city na may nirekomendang P24,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 

Ani Col. Ortega, si Vistro ay aktibong miyembro din umano ng “Alvarez Carnapping Group” na na-ooperate sa lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Paturok na kayo’: Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy

    Nagpaturok ng kanyang “booster shot” laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit.     Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health […]

  • Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas

    ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay.     Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world.     Her crowning […]

  • Security guard na namatay sa Ateneo shooting, pararangalan ng PNP

    PARARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University.     Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan.     Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano […]