Sa muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network: DINGDONG, pinatunayan na mahalaga ang trust at loyalty
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
MULING pinatunayang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagiging loyal sa GMA Network na naging tahanan na niya sa maraming taon.
Muli ngang pumirma ng kontrata ang multi-awarded actor at host sa Kapuso Network kahapon, ika-9 ng Mayo na dinaluhan ng top executives ng network na sina GMA Network Chairman Atty.
Felipe L. Gozon, Presidente at CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA Network’s Senior Vice President for Programming, TalentManagement, Worldwide, and Support Group, at Presidente ng GMA Films Atty . Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President, Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Sparkle Vice President Joy Marcelo, at Executive Vice President ng GMA Pictures na si Nessa Valdellon.
Kasama rin sa naturang renewal contract signing ang talent manager ni Dingdong, President at CEO ng PPL Entertainment na si Perry Lansigan.
Sa kabuuan ng kanyang karera, patuloy na pinatunayan ni Dingdong ang kanyang pangako sa pagbibigay ng kalidad ng nilalaman at pagbuo ng mga koneksyon sa madlang Pilipino.
Mula nang mag-pilot noong 2021, palaging nagdudulot ng saya sa mga manonood ang numero unong game show ng ‘Pinas ang ‘Family Feud’ sa GMA. Nagbabahagi rin siya ng kaalaman tungkol sa biodiversity sa pamamagitan ng programang ‘Amazing Earth’.
Noong nakaraan taon, muli niyang nakasama asawang si Marian Rivera, para sa MMFF na ‘Rewind’, na nagtala ng ‘highest-grossing Filipino film of all time’. Ang naturang pelikula rin ang nagbigay sa kanila ng FAMAS’ Bida Sa Takilya Award.
Sa paparating na ika-7 edisyon ng ’The EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) ngayong Hulyo, pararangalan din ang mag-asawa bilang Box Office Heroes.
Samantala, hinirang si Dingdong bilang bagong miyembro ng Board of Trustees ng Mowelfund, o Movie Workers Welfare Foundation, Incorporated, na nagbibigay ng mga serbisyong pangkapakanan, partikular sa mga marginalized na manggagawa sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang tungkulin bilang aktor, nakatuon din si Dingdong sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino bilang isang Philippine Navy reservist. Noong Marso 2024, nakatanggap si Dingdong ng certificate of completion ng Naval Combat Engineer Officer Basic Course sa kanilang graduation rites sa Philippine Navy Seabees Headquarters.
At sa pagsisimula ni Dingdong sa bagong kabanata sa GMA Network, handa siyang magpatuloy sa paggawa ng makabuluhang kontribusyon sa industriya at magbigay ng inspirasyon sa mga manonood para sa mga darating na taon.
Nag-post naman kanyang manager na si Perry sa Facebook nito ng kanyang pagbati kay Dingdong, kasama ang mga photos na kuha sa naturang big event…
“Almost 3 decades.
“Sabi nila, wala sa haba ng pinagsamahan ang lalim nito.
“Pero sa ating dalawa, ang haba ng panahon ay kasing-lalim din ng ating pagkakakilanlan.
“Dong, congratulations sa isa na namang career milestone na ito.
Pinatunayan mo kung gaano ka-importante sa iyo ang trust at loyalty.
“Napakarami mong napatunayan sa iyong karera.
You have successfully transcended all formats and genre.
“And inspite of all your achievements, you have remained grounded and humble.
“You continue to make your unique mark in the entertainment industry – as an actor, host, producer, content creator, social advocate, a champion of the people and a family man.
“Andito lang ako sa tabi mo lagi. Maraming salamat sa tiwala and I am looking forward to all the other chapters in the exciting life of Dingdong Dantes, a true multi-media royalty.
“Nais ko ring magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa GMA 7 sa pagsuporta at pagtitiwala kay Dingdong at sa PPL Entertainment Inc. at pati na rin sa akin.”
Congrats Dong!
-
Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management
INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant. Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant. Kung maalala mula pa noong June […]
-
Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco
INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo. Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito. Papalo […]
-
Wish niya sa anak na maging tradisyon na ito: SMOKEY, ginawang makabuluhan ang first birthday ni KIKO
GINAWANG mas makabuluhan ni Smokey Manaloto ang 1st birthday ng kanyang anak na si Kiko sa pagpapasaya ng mga bata sa isang bahay-ampunan sa Rizal. Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa birthday celebration ni Kiko na ginawa sa New Faith Family Children’s Home sa Cainta, Rizal. […]