• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, todo-depensa sa pagkakapili kay Gierran bilang bagong PHILHEALTH Chief

IGINIIT ng Malakanyang na hindi kailangan  na isang health expert ang dapat na maitalaga sa PHILHEALTH upang maayos na mapagana ang ahensiya.

 

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Atty Harry Roque sa reaksiyon ng Unyon sa PHILHEALTH na sanay ang naitalaga sa kanila ay isang eksperto sa health insurance.

 

Binigyang halimbawa pa nito na  hindi naman  kailangan na maging embalsamador ang isang manager ng memorial park.

 

Pagbibigay diin ni Sec. Roque, ang mahalaga ngayon ay malinis ang korupsiyon sa PHILHEALTH at naniniwala silang pasok sa kuwalipikasyon si dating NBI Director  Dante Gierran upang pamunuan ang ahensiya.

 

Giit nito si Gierran  ay abugado bukod pa sa CPA  kayat may alam aniya ito kapwa sa financial at  legal aspect.

 

Bukod dito ayon kay Sec. Roque ay hindi kailanman nakaladkad sa anomang kontrobersiya ang pangalan ni Gierran at subok na aniya ang integridad nito.

 

Sa ulat, nagpahayag ng  pagkadismaya ang grupo ng mga empleyado sa PhilHealth sa pagkakatalaga kay Gierran bilang bagong pangulo ng PhilHealth.

 

Ayon   sa lider ng Employees Union ng PhilHealth  na si Fe Francisco, hindi pinakinggan ni Pangulong Duterte ang kanilang panawagan na magtalaga ng financial expert na marunong sa PhilHealth.

 

Dapat din aniya  ay may 7 years experienced sa field ng public health at dapat  ay rekumendado ng Board ng PhilHealth base na rin  sa nakasaad sa Universal Health Care Law. (Daris Jose)

Other News
  • Wish niya dati na gumawa ng wholesome movie ang ‘Vivamax’: BARON, napasabak na rin sa grabeng sexy scenes sa ‘Pusoy’

    WE remember na sinabi ni Baron Geisler during the presscon of the summer campaign ng Vivamax na sana raw ay gumawa naman ng wholesome movie ang sikat na streaming platform.   Tingin kasi ni Baron eh parang soft porn movies ang ginagawa ng Vivamax na pang-come on sa kanilang subscribers.     Pero napasabak na […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 54) Story by Geraldine Monzon

    KAMPANTE  si Cecilia sa kanyang naging desisyon. Akala yata ng tatlong ulupong ay mababahag ang buntot niya.   Bago umalis ay itinutok pa ni Bert ang baril niya sa sentido ni Cecilia.   “3 days lang ang ibibigay naming palugit para maibigay mo ang kailangan namin. Kung hindi, alam mo na ang mangyayari Cecilia, kaya […]

  • Panukalang doblehin sa P1K pensyon ng indigent seniors batas na

    ISA nang ganap na batas ang panukalang layong itaas mula P500 sa P1,000 ang buwanang pensyon ng “indigent senior citizens” o mga nakatatandang nasa laylayan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ngayong Martes.     “Happy bday indeed! batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens,” tweet ni Villanueva […]