• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado

BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re­belasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

“Itanong natin ‘yan sa kanya tanong natin kung may nagbayad sa kanya. Tanong ko yan next hearing…Haharap pa rin siya…,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nagsisiyasat sa kontro­bersiyal na PDEA leaks.

 

 

Una rito, binatikos si Dela Rosa ng ilang kongresista dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks” kahit wala namang inihain na matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang ilang humarap na personalidad.

 

 

Pero giit ng senador, “Wala namang problema kaya nga tayo nag-hearing para pakinggan ang lahat ng side na merong relevant sa issue na ito, pakinggan natin lahat ng side, di porke pinakinggan natin pinaniwalaan natin ang sinasabi nya, may portion naniniwala tayo may portion ‘di tayo solve sa kanyang sinasabi, pakinggan natin lahat.”

 

 

Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi pinipigilan ang katotohanan at pinagsasalita ang mga resource persons na humaharap sa komite.

 

 

Matatandaan na kinuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada ang kredibilidad ni Morales na dalawang beses nang sinibak sa police force at na-dismissed at nakasuhan sa korte dahil sa pagiging incompetent o walang kakayahan sa kanyang trabaho sa PDEA.

 

 

Sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) noong Hulyo 7, 2014, kinatigan nito ang desisyon ng PDEA na nagpapatalsik kay Morales dahil sa hindi pagsasabi ng totoo at grave misconduct sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang huwad na drug-bust operation. Pinagbawalan din si Morales na kumuha ng anumang civil service exam at forfeited ang kanyang retirement benefits. (Daris Jose)

Other News
  • Tiyak na isa siya sa mag-i-spoil sa unang apo: VILMA, excited na sa pagdating ni Baby Peanut at kung gaano kadalas mahihiram

    HINDI mo masisisi si Ms. Vilma Santos-Recto na magiging first time lola.      Excited na kasi siya sa nalalapit na pagsisilang ng manugang na si Jessy Mendiola sa Baby Peanut nila ng husband nitong si Luis Manzano.     At sabi nga niya sa kanyang vlog sa YouTube na may 400K followers na, “gaano ko kaya kadalas mahihiram ang aking apo?” […]

  • AFPI hindi pumayag sa mungkahi ng DOTr na alisin ang cost ng beep card on top of the fare load

    NADISMAYA ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pasya ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collec- tion system (AFCS) sa EDSA Busway na alisin ang bayad sa beep card on top of the fare load kahit na pinakiusapan sila ng pamahalaan.   Mabigat ito para sa mga commuters na umaasa lamang bilang […]

  • SHARON, nag-negative sa COVID test habang nag-positive si Sen. KIKO; buong pamilya naka-isolate na

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta na may nakalagay na ‘Make Today Happy’ sa photocard, ipinaalam niya na negative siya sa COVID test habang nag-positive nga si Sen. Kiko Pangilinan.     Caption niya, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all […]