• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 wildlife traders nabitag ng Maritime police sa entrapment ops

NALAMBAT ng mga tauhan ng Maritime police ang apat na wildlife traders sa magkakahiwalay na entrapment operation sa loob at labas ng National Capital Region (NCR), kaugnay ng ‘All Hands Full Ahead’ campaign.

 

 

Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) Chief P/Major John Stephanie Gammad, dakong alas-10:02 ng gabi noong May 9 nang maaresto si alyas “Joseph” ng kanyang mga tauhan sa ikinasang entrapment operation sa Masaya Street, Barangay Old Capitol Side, Quezon City at nakumpiska sa kanya ang apat Indian Ring Neck Parrots.

 

 

Bandang alas-4:46 ng hapon, noong May 7 nang matimbog naman ng kabilang team ng Maritime police sa naganap na entrapment operation sa Barangay Salvacion, Quezon City, si alyas “John” at nakuha sa kanya ang isang Sun Conure.

 

 

Sa Calumpit Bulacan, nalambat naman ng isa pang team ng Maritime police sa isinagawang entrapment operation sa MacArthur Highway, Purok 1, Brgy., Gatbuca, alas-8:33 ng gabi noong May 6, si alyas “Jacob” at nasamsam sa kanya ang dalawang Green Cheek Conures.

 

 

Habang nakumpiska naman kay alyas “Jonathan” ang isang Bearded Dragon matapos siyang madakip ng mga tauhan ni Major Gammad sa entrapment operation noong May 6, sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy., Santa Cruz, Guiguinto, Bulacan, dakong alas-10:37 ng gabi.

 

 

Mahahrap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 27 “Trading of Wildlife” at “Possession of Wildlife Species” of R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation Protection Act) in relation to Sec. 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 30, 2021

  • Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19

    Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.     Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin […]

  • HOLDAPER ARESTADO SA MALABON

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang umano’y holdaper matapos kumasa sa kanya ang dalawang technician na kanyang hinoldap at inagawan ng cellular phone sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Alexis Padilla, 29, ng Block 21, Lot 5, Dulong Hernandez, […]