2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.
Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang Lungsod na kapwa dumanas ng panggigipit ng ACE Medical Center.
Sa kuwento ni Zafra taong 2017 nang manganak siya sa nasabing ospital at umabot sa halos P500,000 ang kanyang hospital bill.
Ayon kay Zafra, nakapagbayad sila ng P200,000 at nakiusap na promisory ang balanse na hindi inaprubahan ng ospital. Napilitan na lamang silang i-discharge ng ACE Medical Center nang humingi sila ng tulong mula sa Public Attorneys Office.
Gayunman, hindi naman ipinarehistro ng ospital ang birth certificate ng kanyang anak dahil sa kanilang outstanding balance.
Na-confine naman dahil sa Covid-19 noong 2021 si Ignacio kung saan umabot sa P275,374.47 ng kanyang hospital bill sa loob lamang ng 11 araw.
Ani Ignacio, hindi lahat ng hospital bill ay nabayaran ng kanyang health card kaya naiwan ang balanse na P150,372.00. Tulad ni Zafra nagsumite si Ignacio ng promissory note na hindi tinanggap ng ospital.
Dahil dito, napilitan si Ignacio na manatili sa quarantine facility hanggang sa nabayaran ng kanyang pamilya ang bill.
Kasama sina Gatchalian at Councilor Atty. Bimbo dela Cruz ng LAMP Sinag, nakapaghain na rin ng reklamo sina Zafra at Ignacio laban sa ilang tauhan ng ospital sa korte.
Samantala, kinumpirma naman ni Gatchalian na naglabas na ng warrant of arrest si Valenzuela Metropolitan Trial Court Branch 109 Judge Marita Iris Laqui Genilo laban sa mga akusado na sina Maria Cristina Eugenio, Raymond Masaganda, at Samuel Delos Santos, pawang mga hospital staff ng ACE Medical Center sa kasong inihain ni Lovery Magtangob na Slight Illegal Detention.
Si Magtangob ang namatayan ng mister at hindi pinayagan ng ospital na makalabas at makita ang burol nito. Tumanggi rin ang ospital na mag isyu ng death certificate hanggang hindi nakukumpleto ang hospital bill. (Richard Mesa)
-
ENTER THE WORLD OF “BARBIE” IN COMEDY’S BRAND NEW TRAILER
WELCOME TO BARBIE LAND, did you bring your rollerblades? #BarbieTheMovie only in cinemas July 19, 2023. Watch the new trailer. YouTube: https://youtu.be/0ys75bumMT4 About “BARBIE” From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa […]
-
Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol […]
-
John Riel Casimero tuluyan ng napanatili ang WBO bantamweight belt
Tuluyan ng nakakuha ng clearance sa World Boxing Organization (WBO) si Filipino boxer John Riel Casimero para mapanatili nito ang kaniyang bantamweight champion title. Sa resolution na inilabas ng WBO na nakapag-comply na si Casimero sa mga kutusan na kanilang inilatag gaya ng pagpakita ng mga medical documents matapos ang pag-atras nito sa […]