• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-leave sa senado para magpagaling: Sen. BONG, ‘di na muna itutuloy ang pagbabalik-pelikula

IIWANANG pansamantala ni Senator Bong Revilla ang senado.

 

 

 

Nag-medical leave ang senador last Tuesday, May 14 ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.

 

 

 

Kailangan kasi ni Sen. Bong na ipahinga nang husto ang kanang paa na kailangan ang maayos at mabilis na pagpapagaling nito.

 

 

 

Na-shelve naman at mukhang hindi na muna itutuloy ang pelikulang “Alyas Pogi 4” dahil sa kalagayan niya.

 

 

 

Last Monday ay pinilit pa raw ni Sen. Bong na dumalo sa session sa Senado. Pero sa kasamaang palad ay wala raw sa loob na aksidenteng naitapak kung kaya parang bumuka nang bahagya ang operasyon nito.

 

 

 

Ayon pa sa report o sa medical certificate ni Sen. Bong ng St. Luke’s Global sa BGC, Taguig ay kailangan na ipahinga nang at least two weeks ang injured na pal ng senador.

 

 

 

May napansin daw ang mga doktor na pagdurugo sa inoperahang paa ng senador.

 

 

 

“We have advised that he keep the leg elevated at all times for the next 2 weeks (May 14 to May 31, 2024) to decrease potential swelling that can aggravate our postoperative wound site.” ayon pa sa medical certificate.

 

 

 

Dagdag pa ng naturang report na kailangan daw munang tumigil ni Sen. Bong sa kanyang mga trabaho.

 

 

 

Mamalagi muna si Senator Bong sa kanilang farm sa Cavite, para doon tuluyang magpagaling.

 

 

 

***

 

 

 

KUNG pagbabasehan ang mga naglalabasang mga larawan at dagdag kuwento pa ng mga taong present sa okasyon ay parang nagkakabalikan na nga sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

 

 

 

Pareho kasi silang dumalo sa graduation ng anak nilang si Chesca.

 

 

 

Si Sunshine na mismo ang naglabas ng mga larawan sa kanyang instagram post last Wednesday.

 

 

 

“Congratulations to our @chesca.montano! We are so proud of you anak.” Lahad pa ni Sunshine.

 

 

 

Sunod-sunod naman ang mga greetings na nagsidatingan kay Cheska, mga kaklase, malalapit na kaibigan at maski na yung mga bagong kakilala nila ay nagpadala ng mensahe.

 

 

 

At pati sina Shine at Buboy ay nakatanggap din ng mga pagbati para sa anak nilang si Cheska…

 

 

 

“Kudos sa parents good co-parenting talaga. Kitang kita sa mga mata ng mga anak nyo ang saya”

 

 

 

 

“ok na rin to kesa mag away away pa. life is short naman”

 

 

 

 

“Mag Ex na walang hate sa Isat isa o bitterness. Nakaka inspire! I love you both! Congratulations!”

 

 

 

 

“Ang galing naman! No hurt feelings ang mga bagets pati parents especially si wify”

 

 

 

 

“This is the way it should be.. even if the mom and dad are already divorced, they should still be friends and get along as co- parents to their children.. it has a great impact on the well- being of the kids… congrats Sunshine and Cesar for making it through,and raising successful children!”

 

 

 

 

“Very nice family, lahat matino. At yung wifey ni Cesar ngayun super maganda na mabait pa. May God Bless this family always.”

 

 

 

Samantala, naghiwalay sina Shine at Cesar last 2013 at na-annul ang kanilang kasal noong 2018. Nagkaroon sila ng tatlong anak na babae na sina Sam, Angelina, at Chesca.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Mahigit 78-K wanted individuals, arestado ng Philippine National Police ngayong taong 2022

    IBINIDA  ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 78,000 wanted individuals na kanilang naaresto ngayong taong 2022.     Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagsisikap ng buong hanay ng kapulisan na mapigilan at masugpo ang krimen sa Pilipinas.     Batay sa inilabas na pinakabagong consolidated assessment report ng PNP […]

  • Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters

    Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City.     Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon.     Kaya naman […]

  • Speaker Romualdez ikinalugod ang positibong forecast ng WEF na maging $2-trillion ang ekonomiya ng Pilipinas

    IKINALUGOD ni Speaker Martin Ferdinand Martin Romualdez ang positibong pagtaya ng World Economic Forum (WEF) na ang Pilipinas ay posibleng maging $2-trillion economy sa susunod na dekada.     Ang inaasahang paglago ng ekonomiya ay maihahanay sa bansang Canada, Italy, at Brazil.     Sinabi ni Speaker Romualdez na ang projection ni World Economic Forum, […]