• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tiniyak sa AFP ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan, morale ng militar

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘commitment’ ng administrasyon na mapabuti ang kapakanan at morale ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang pamilya.
“And to all the members of the AFP, be assured this government has a continued assurance in improving the welfare and morale of our uniformed officials and personnel, and of course  including your respective families,” ayon kay Pangulong Marcos sa commencement exercises ng 278-strong graduating cadets ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 sa PMA Borromeo Field, Fort Gregorio del Pilar, Loakan sa Baguio City.
Ang “Bagong Sinag” ay kumakatawan sa “Bagong Henerasyong Gagampanan ang Tama: Serbisyo, Integridad, at Nasyonalismo ang Aming Gabay” na mayroong 278 mula sa 350 orihinal na kadete na nagtapos ng kurso at ipinagkalooban ng “degree” sa Bachelor of Science in National Security Management (BSNSM).
Sa nasabing bilang, 224 ay mga lalaki habang 54 naman ang mga babae. Pitong kadete ang nagtapos mula sa Foreign Service Academies.
Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mga PMA instructors para sa kanilang hard work o pagsusumikap na makapagbigay ng “responsive military education” at tiyakin na ang mga kadete ay may kakayahan na maging karapat-dapat na ‘torchbearers’ ng kalayaan.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa AFP na ang kanyang liderato kasama ang Bagong Sinag, ay hawak-kamay tungo sa pinapangarap na “Bagong Pilipinas” na mapayapa at progresibo.
Ang PMA ay itinatag noong October 25, 1898 sa bisa ng isang decree na ipinalabas ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo at pormal na nilikha noong Disyembre 21, 1935. (Daris Jose)
Other News
  • Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum

    Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford.     Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight.     “Somebody is […]

  • Nawala ang pandinig at lumabo rin ang paningin: LANI, inamin na kinuwestiyon ang Diyos sa nangyari sa kanilang mag-asawa

    BONGGA talaga ang ‘Fast Talk With Boy Abund’a dahil nagawa ni Kuya Boy na pagkuwentuhin si Lani Misalucha tungkol sa pinagdaanan nitong sakit.     Noong 2020 ay nagkasakit si Lani at ang mister niyang si Noli ng bacterial meningitis na naging sanhi ng pagkawala ng pandinig ng Asia’s Nightingale.     “Ang bacterial meningitis […]

  • PSC mamamagitan na sa alitan nina Obiena at PATAFA

    Nanawagan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagresolba ng gusot sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at si pole vaulter EJ Obiena.     Ayon sa PSC na handa silang mamagitan at magsagawa ng pag-uusap sa dalawang panig.     Nagbabala rin ang PSC na kapag bigong maresolba at magmatigas ang […]