Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students
- Published on May 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.
Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series of 2019, at Ordinance No. 1110, Series of 2023 na pinamagatang “An Ordinance Granting Financial Assistance to every graduating elementary and senior high school students and additional financial grant to the top five (5) honor students in all public schools in Valenzuela City.”
Gaya ng nakasaad sa ordinansa, ang karagdagang financial grant ay ibinibigay sa top 5 honor students bukod pa ang naunang Php1,500 educational incentive para kilalanin ang kanilang academic achievements tagumpay sa buong school year.
Mula Mayo 15 hanggang Mayo 18, si Mayor WES Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ay mamimigay ng educational incentives sa mga magtatapos sa grade six students sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa lungsod kung saan nasa 2,098 benepisyaryo ang nakatanggap na.
Binati ni Mayor WES ang mga mag-aaral na nagtapos at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga kawani na matagumpay na natapos ang school year.
“Hindi naman po ganoong kalakihan ang ibibigay po ng lokal na pamahalaan, ngunit kahit papaano po sana makatulong ito sa inyong mga gastusin at higit sa lahat, sana ito po’y maging motibasyon natin na lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-aaral sa susunod na school year.” pahayag ni Gatchalian.
Samantala, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pampublikong senior high school ay magsisimula sa Mayo 20 hanggang 21, 2024. (Richard Mesa)
-
Kaya iwas na mag-comment tungkol kay Atong Ang: SUNSHINE, ‘di na comfortable na pinag-uusapan ang lovelife
HANGGANG ngayon at kahit anong pamimilit ay iniiwasang magbigay ng anumang komento o pahayag ni Sunshine Cruz hinggil sa isyu sa kanilang dalawa ng businessman na si Atong Ang. “Kuya Jimi sorry late reply. Nasabi ko sa mga past interviews na hindi ako comfortable na pinag-uusapan pa ang lovelife ko. “After Macky nangako […]
-
3 drug suspects arestado sa P1M shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]
-
Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa
KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo. At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man o matanda sa masayang […]