• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PULONG BALITAAN UKOL SA GAMBLING ADDICTION, SINIMULAN NGAYON SA QUEZON CITY

SINIMULAN ngayon sa Quezon City ang kauna-unahang pulong balitaan para sa adiksyon sa pagsusugal.
Layon ng kumperensya na suriin at talakayin ang epekto ng pagka-adik sa sugal lalo na sa mga pamilya ng mga biktima.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang game of chance o pagsusugal gaya ng sabong, bingo at iba pa at ngayon nga ay maging sa internet.
Ang mahalaga aniya ay matutukan ang aspeto ng mental health ng mga naaadik sa anumang uri ng sugal upang hindi na humantong sa hindi magandang pangyayari gaya ng pagiging bayolente, pagpapatiwakal at upang makaiwas sa utang at kahihiyan.
Sabi pa ni Belmonte, mahalagang tutukan ang epekto ng labis na pagkalulong sa sugal dahil ito ay nakaaapekto sa kalusugang pisikal at psychological ng isang indibidwal, kapag hindi naagapan ay umaabot sa pagka-bankcrupt, pagka-bayolente at maging pagkasira ng pamilya ang labis na pagkahilig sa pagsusugal.
Dinaluhan ng mga dalubhasa sa pyschological community, gambling councilors, mga kinatawan ng mga malalaking casino, kinatawan ng PAGCOR at iba pang stakeholder ang nasabing kumperensya na magtatapos sa 22 ng Mayo. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas

    MAHIGIT sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para sa sickness at death bene­fits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers  na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya.     Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng […]

  • Ads November 20, 2020

  • P7.9 bilyong COVID-19 allowance ng HCWs inilabas na

    INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang P7.92 bilyon One Covid-19 Allowance (OCA).     Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 526,727 eligible na public at private healthcare workers (HCWs) at mga non-HCWs na ang trabaho ay may kaugnayan sa COVID-19 response.     Sa nasabing […]