NAGSALITA na si Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo tungkol sa pagkawala niya sa daily variety show ng GMA na ‘TiktoClock.’

 

 

May bulung-bulungan na na-insecure daw ito sa co-hosts na si Faith da Silva. Pero pinabulaanan ito ni Rabiya dahil close sila ni Faith. Mas mag-concentrate daw siya sa pag-host sa mga regional pageants at sa acting.

 

 

“In terms of hosting, yun nga po, with a heavy heart, katatapos lang po ng kontrata ko with TiktoClock. I’m very blessed for that exposure. Ako, I’m so proud of TiktoClock, nami-miss ko na rin po, actually, yung mga co-host ko doon. Pero ganun talaga ang buhay, may mga desisyon, may mga path na nag-e-end. However, sana po in the future, mag-meet ulit kami,” sey ni Rabiya.

 

 

Masayang namang binalita ni Rabiya na may special role siya sa GMA epicserye na ‘Pulang Araw’. Ito ang ikatlong teleserye niya after ‘Royal Blood’ at ‘Makiling’.

 

 

“Hindi ko pa po mase-share ang role ko kasi it’s a surprise. Pero bilang isang Pilipino po, nakaka-proud na somehow feeling ko nabalik din ako sa 1930 era.

 

 

“Ngayon, tina-try ko naman po yung mga heavy drama, iyakan talaga. Siyempre, it takes a lot of practice. Kahit bago ko pa lang siya ginagawa, napamahal na po ako sa kanya. I’m willing to learn. Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice.”

 

 

***

 

 

LOOKING forward si Isko Moreno sa kaniyang showbiz career bilang isang Sparkle artist.

 

 

Kabilang si Yorme sa Signed for Stardom 2024 kasama ang iba pang mga biggest and brightest stars sa GMA Network.

 

 

Kuwento ni Isko sa kaniyang pagtungtong sa stage, una niyang pinasasalamatan ang Panginoon para sa mga biyayang kaniyang natatanggap.

 

 

“I am always grateful to God. Without Him, I am nobody, nowhere today. I always believe in that first and foremost.”

 

 

Dahil balik showbiz na si Isko Moreno pagkatapos niyang pumasok sa politika, nais niyang ibuhos ang kanyang oras sa kaniyang career.

 

 

“This is a way of reinventing myself in showbiz. My first love na industry that gave me an opportunity to better myself in a particular field and it cannot be denied it catapulted to another career, it helped me. Now that I am full time, I am looking forward for more work, of course.”

 

 

Sa kasalukuyan ay napapanood si Isko sa Black Rider. Mapapanood din si Isko Moreno sa nalalapit na Sparkle World Tour.

 

 

“I am happy with Black Rider… ang galing ng Black Rider,” ani Isko.

 

 

Saad pa ni Isko Moreno, “Kakanta raw kami, US and Canada, more or less. Grateful maraming ginagawa at marami pang gagawin,spa I was told by Sparkle.”

 

 

Abangan si Isko “Sparkle Goes to USA” sa August 9 and 10 kasama sina Alden Richards, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Aiai Delas Alas, Isko Moreno, and Boobay.

 

 

***

 

 

AFTER ng 4 days na pag-perform ni Taylor Swift sa ‘The Eras Tour’ sa Paris, nag-timeout muna ito kasama ang boyfriend na si Travis Kelvce sa Lake Como in Italy.

 

 

Namataan ang dalawa na magkaakbay habang namamasyal sa Lake Como. Nakita rin silang nag-dinner sa isang kilalang restaurant doon.

 

 

Sunod na stopover ng tour ni Taylor ay sa Stockholm, Sweden. Bilang pag-welcome sa Fortnight singer, tinatawag ngayon ang Stockholm na “Swiftholm”.

 

 

Ayon sa Billboard, ang latest hit album ni Taylor na ‘The Tortured Poets Department’ is  “the most-streamed album ever. All 31 tracks on the album had been streamed 891.37 million times. Swift also set a record for most vinyl sales, with 859,000 sold.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)