PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’
Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.
Sisimulan na nito ang unti-unting pagbabalik ng school year sa Hunyo ng bawat taon at magtatapos naman sa buwan ng Marso ng susunod na taon.
Nauna rito nagpulong sa Palasyo ng Malakanyang sina Pangulong Marcos at Vice President at Education Secretary Sara Duterte para talakayin ang dalawang opsyon para sa implementasyon ng School Year (SY) 2024-2025 calendar bilang paghahanda sa pagbabago sa lumang ‘June to March school calendar.’
Sa kabilang dako, sa sectoral meeting kay VP Sara sinabi ng Pangulo sa DepEd na simulan na ang pagbabago ng standard school calendar days sa pamamagitan ng SY 2024 hanggang 2025.
Inilatag naman ni VP Sara ang dalawang opsyon sa Pangulo para sa sinasabing school calendar shift.
Ang unang opsyon ay binubuo ng 180 school days na mayroong 15 in-person Saturday classes habang ng pangalawang opsyon naman ay magkaroon ng 165 school days subalit wala ng in-person Saturday classes. Kapwa naman, ang dalawang opsyon ay magtatapos ang school year sa Marso 31, 2025.
Iyon nga lamang sinabi ng Pangulo na ang 165-day school calendar ay “too short” at mababawasan sa nasabing arrangement ang bilang ng school days at contact time na maaaring makompromosio ang kalalabasan o resulta ng pag-aaral.
Ayaw din ng Pangulo na magpunta pa ang mga estudyante sa eskuwelahan kapag araw ng Sabado para makumpleto ang 180-day school calendar dahil “it will jeopardize their well-being and demand more resources.”
Bilang isang kompromiso, sinabi ng Pangulo na sa halip na matapos sa Marso 31, 2025, dapat na lamang na I-adjust ng DepEd SY ang pagtatapos sa Abril 15, 2025 upang makayanan ng mga estudyante na makompleto ang 180 days na hindi na gagamitin pa ang araw ng mga Sabado para pumunta sa eskuwelahan.
“Habaan lang natin ‘yung school days. Para matagal, dagdagan na lang natin ‘yung school days basta huwag natin gagalawin ‘yung Saturday . So, school day will remain the same. Standard lang,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay VP Sara sa naturang pagpupulong.
Sinabi naman ni VP Sara na nakonsulta na nila ang mga guro , school officials, at magulang pagdating sa panukalang school calendar. (Daris Jose)
-
Ads December 20, 2023
-
7 durugista nabitag sa drug ops sa Valenzuela
PITONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang nalambat ng pulisya sa magkakahiwalay na drug operation sa Valenzuela. Ani PCpl Pamela Joy Catalla, alas-5 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. […]
-
Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na – DSWD
MAHIGIT sa 4,000 dating monitored children ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na ngayon. Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo. Base […]