• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Madalas silang nag-aabot sa mga race: BUBOY, itinuring na mahigpit na kalaban ni KOKOY sa ‘Running Man PH’

BUKOD nga sa napakalamig na klima sa South Korea at unang beses na makaranas ng snow, nagkuwento si Kokoy de Santos ng karanasang hindi niya malilimutan habang nagsu-shoot sila para sa Season 2 ng Running Man Philippines.

 

 

 

Dito namin napag-alaman na matatakutin pala si Kokoy.

 

 

Sa trailer ng Running Man Philippines Season 2 ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Kokoy, “Isa po iyan sa mga kinatatakutan ko. Actually dalawa yan, rides tsaka horror. Yung rides nilagay nila ng Season 1 yung horror nilagay ng Season 2.

 

 

 

“So talagang parang ayaw nila akong mabuhay e,” at muling natawa si Kokoy.

 

 

 

“Pero iyon, sobrang ano naman yun, sabi ko nga kundi dahil sa Running Man hindi ko din mae-experience yung ganung klaseng production number, talagang iba yung production design na… nilalagay ko sa kukote ko, paulit-ulit nung nag-i-start yung race na yun, set-up lang ‘to, trabaho lang ‘to… pero hindi parang ayoko rin talagang ituloy, e!

 

 

 

“Pero iyon lang talaga, sabi nga ni Boss G [Glaiza], sabi dun sa kanta namin [Running Man theme song], ‘Go lang nang go!’

 

 

 

Dumating din si Kokoy sa punto na naisipan na niyang mag-quit sa race dahil sa horror rides.

 

 

 

“Pero hindi naman po para bumalik ng Pinas. “Para lang mag-backout dun sa race. E kaso parang bungad pa lang po yun, pang-ilang race pa lang po namin iyon.

 

 

 

“Kinausap lang din talaga ako nung interpreter namin na parang hindi puwedeng mag-backout. Parang pinaka sabi ko lang talaga baka puwedeng may kasama ako, at least kasama lang.

 

 

 

“Hindi talaga puwede.

 

 

 

“Iyon lang naman po. Mababaw lang naman para sa kanila pero sa akin hindi. Chariz,” at muling natawa si Kokoy.

 

 

 

Tinanong naman namin si Kokoy kung sino ang itinuring niya among the six other runners na pinakamahigpit niyang kalaban.

 

 

 

“Si Buboy na lang kasi parang nag-a-assume si Buboy, e. Chariz! Hindi, si Buboy, isa si Buboy din talaga.

 

 

 

“Kasi madalas kaming mag-abot talaga, e. Hindi rin namin alam kung bakit. Bukod sa amin ni Angel, si Angel kasi pag nagtatapat kami parang ang hirap hindian, alam mo yun, may ganun.” ang tila kinikilig na sambit ni Kokoy.

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Kokoy…

 

 

 

“Kami ni Buboy talaga pag nag-aabot kami, parang, ‘Ano ba yan?’

 

 

 

“Parang gusto namin lagi parang chill lang kami pero pag kami ang nag-aabot parang, ‘Hindi e, minsan lang ‘to mangyari, ibigay na natin ‘to!’

 

 

 

“Pero kalmado, pero ibigay natin kung ano yung deserve ng mga manonood,” pahayag pa ni Kokoy.

 

 

 

Napapanood na ito tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7.

***
DAHIL ‘Kulong’ ang titulo ng proyekto nina Caris Manzano, Aica Veloso, JD Aguas, at Jenn Rosa para sa Vivamax, natanong sila kung ano ang bagay sa kanilang nakaraan ang nais nilang makawala o makalaya.
Dito ikinuwento ni Caris ang kagimbal-gimbal na mga nangyari sa buhay niya.
“May dalawang bagay po akong gustong mapalaya sa sarili ko. Nung bata po kasi ako nakaranas ako ng sexual harassment.
“Sa stepfather ko po.
“So medyo mabigat siya. So dinala ko  po iyon hanggang paglaki ko tapos nung nakakaranas akong magkaroon ng boyfriend everytime naming ta-try na mag-sex lagi po talagang bumabalik yung trauma sa akin.
“So ang nangyari is siyempre tao lang ako talagang nakakaramdam ako ng libog so instead makipag-sex ako mas pinipili ko na lang mag-masturbate,” ang matapang na rebelasyon ni Caris.
May pasabog pang inamin si Caris.
“But yung fantasy ko is gusto ko nire-record ko yung sarili ko.
“Dito na papasok yung pangalawang gusto kong makalaya ako.
“Whenever na nire-record ko yung sarili ko nasa-satisfy ako, ganyan. But then last 2020 pandemic, account ko, na-hack! Nanakaw yung phone ko.”
Dahil raw dito ay kumalat ang mga maseselang videos ni Caris.
Aniya, “So gusto kong makalaya dun sa judgment ng mga tao sa akin kasi napanood nila yung video ko, e.
“Especially sa mga relatives ko na nakakita, sa mga friends ko,” at dito na nagsimulang maging emosyunal si Caris at umiyak.
“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Caris sa hindi niya napigilang damdamin, “so parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin?
“Tao lang naman ako! Normal lang naman na meron akong fantasy, na nalilibugan ako. Hindi lang naman ako yung gumagawa nun, kaya nga may porn e, di ba po?
“So gusto kong makalaya sa ganung pakiramdam, sana makayanan ko siyang i-face.
“Kapag tinitingnan kasi ako ng ibang tao, pakiramdam ko napanood niya yata yung video ko.
“Tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
“Iyon, iyon yung gustung-gusto kong makalaya.
“Sana soon.”
Ang kanyang mga alagang aso ang dahilan kaya nakakayanan ni Caris ang kanyang mabigat na pinagdadaanan.
Sa tanong naman kung nagtagumpay ang kanyang stepfather sa panghahalay sa kanya…
“Ah hindi po, lumaban po kasi ako, e! To the point na pati yung mom ko nasira yung relationship namin dahil dun,” ang malungkot na pahayag ni Caris.
Samantala, simula na ang streaming sa Vivamax ngayong May 24 at sa direksyon ni Sigrid Polon, nasa Kulong rin sina Ghion Espinosa at Ralph Engle.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19

    UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.   Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.   Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan […]

  • BEA, dedma na lang sa nang-iintriga sa paglipat sa Kapuso Network; pinaratangan na nag-inarte lang

    DONE deal na ang pagiging Kapuso ni Bea Alonzo matapos itong pumirma ng three-year contract sa GMA 7.     Naganap ang contract signing sa isang five star hotel at matapos nito ay nagkaroon ng presscon si Bea via zoom.     Bea expressed excitement sa kanyang pagiging Kapuso. She spent 20 years of her […]

  • Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

    LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.   […]