‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado
- Published on May 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.
Wala rin aniya siyang balak na diinan o diktahan ang mga senador para paboran o tutulan ang panukala.
Subalit kung si Escudero ang tatanungin, hindi diborsyo kundi mas gusto niyang palawakin at gawing abot-kaya at accessible ang annulment sa ilalim ng family code.
Pinuna naman ng Senate President ang boto sa inaprubahang divorce bill sa Kamara na noong una ay 126 ang pabor, 109 ang tutol at 20 ang abstain,subalit kinalaunan ay itinama na ang bilang sa 131 ang pabor at pareho pa rin ang numero ng tutol at abstain.
Subalit maaari naman anya itong gawing basehan ng mga anti-divorce na kongresista para kwestyunin ang pagkakapasa ng naturang panukala. (Daris Jose)
-
Manggagawa ng gobyerno ng tatamaan ng ‘rightsizing’, maaaring mag- apply para sa bagong posisyon
SINABI ng The Department of Budget and Management (DBM) na ang panukalang “rightsizing” sa gobyerno ay target na isumite sa Kongreso bago pa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Aayusin po ng programang ito ‘yung mga ahensya na mayroong repetitive functions or overlapping functions,” ayon […]
-
COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw
Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao. Sinabi ni OCTA member Prof. Guido David na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at […]
-
USAPANG “ESSENTIAL” sa PANAHON ng ECQ
Ang mga motorcycle delivery riders at ang mahalagang papel nila sa ekonomiya sa panahon ng pandemya. Marami nang nag viral na mga insidente ng pagtatalo ng mga delivery riders at mga bantay o enforcers sa mga checkpoints. Pinagtalunan pa nga kung ang lugaw ay essential o hindi. Sabi nga noong enforcer “mabubuhay ka naman ng […]