• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa

MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”

 

 

 

 

 

Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon ng apat sa pinaka-inaabangang talento sa musika: SB19, BINI, SunKissed Lola, at Flow G.

 

 

 

 

 

“These four artists are the powerhouse acts in Philippine music today. Collaborating with them is an excellent opportunity to reinforce Puregold’s barnd message,” pahayag ni Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club, Inc.

 

 

 

 

“Puregold proudly celebrates their achievements and is dedicated to continuously uplifting Filipino talent. And as we look forward to our 500th store milestone, it’s a privilege to have these artists produce a song that authentically represents our core values.”

 

 

 

 

Tampok sa music video ang apat na mga talento na kumakanta at sumasayaw sa isang stylized Puregold store. Itinatanghal nila ang iba’t ibang talento: pag-harmonize, pagsayaw sa mahusay na koryograpiya, mga instrumental na solo, at sa kaso ni Flow G, pagsulat at pag-rap ng sarili niyang version.

 

 

 

 

Higit sa hindi kapani-paniwalang pagsasama-sama ng apat na tanyag na mga musikero sa iisang music video at kanta, ipinagdiriwang din ng “Nasa Atin ang Panalo” ang mga tao ng Puregold. Kasamang sumasayaw sa music video ang mga araw-araw na mamimili at ang staff na sinisigurong tumatakbo nang maayos ang Puregold. Pati si Aling Puring, nagpakita at nakisayaw din sa malalaking talentong Pilipino.

 

 

 

 

 

Kuhang-kuha ng kanta ang essense ng “Panalo” na inilalarawan ang mahabang kasaysayan ng Puregold sa industriya ng retail. Higit doon, inaawit din nito ang kuwentong panalo ng mga artistang kasama sa paglikha ng kanta, na lumahok sa proyektong ito kaakibat ang kanilang mga naratibo ng tagumpay.

Patunay ang tuloy-tuloy na pag-angat ng SunKissed Lola sa kanilang pagtindig sa pagsasakatuparan ng kanilang mg

 

 

 

 

a pangarap. Paalala naman ang pag-unlad at coming-of-age na paglalakbay ng BINI ng halaga ng pagbabago sa paglipas ng oras. Halimbawa naman ang determinasyon at pagsulong ni Flow G ng determinasyon sa harap ng patuloy na mga hadlang.

 

 

 

 

Ang kuwento ng SB19, na puno ng mga tagumpay at pagsubok, ay makapangyarihang larawan ng abilidad na harapin ang bawat bagong araw.

 

 

 

 

Pinagsasama-sama ng kanta ang lahat ng ito, na malapit nang mapakinggan sa mga streaming platform gaya ng Spotify.

 

 

 

 

Subalit hindi pa tapos ang pananabik ng mga Pinoy Pop fan; marami pang dapat abangan. Nagpatikim na ang apat na mga artistang ito ng mga solo track na ilalabas din kasama ng Puregold sa mga susunod na linggo.

 

 

 

 

Bawat kanta ay mas lulubog pa sa indibidwal na mga kalidad na naghatid sa bawat musikero sa kanilang mga pangarap na “always panalo.” Hinihikayat ang mga tagasunod na sumubaybay sa mga social media account ng Puregold.

 

 

 

 

 

Naruto naman ang link ng music video: https://youtu.be/JrRLsT4eoXM?si=9lfzBlgPRC2nHsI4

 

 

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

 

 

Other News
  • Ads December 12, 2020

  • VOTER’S REGISTRATION, HINDI PALALAWIGIN

    HINDI palalawigin ang voter registration  para sa darating na halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     Binigyan diin ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon  na  ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang Setyembre 30 na lamang at hindi na ito palawigin pa.     Paalala ng Comelec, maaaring magpatala ang […]

  • P8-M halaga ng food packages, tulong ng China sa mga sinalanta ng bagyong Odette

    Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.     Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.     Kabilang na aniya rito ang probinsya […]