House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis ng mga diabetic patients.
Ayon kay House Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.
“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo.
Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng dialysis session ng isang pasyente”.
Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.
Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.
“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.
“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.
Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero ‘di pa kasama ang gamot.
-
Abalos, pabor na ibaba na ang NCR alert level
PABOR si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ibaba ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ayon kay Abalos sa isang panayam. “Personally, dapat ibaba na po ang alert […]
-
Pagbuo ng mega government task force na siyang maghahabol sa rice price manipulators, hinikayat ni Speaker Romualdez
HINIKAYAT ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbuo ng mega government task force na siyang maghahabol sa rice price manipulators at ganid na mangangalakal. “A call to immediate action is needed to force a decrease in rice prices for the benefit of the Filipino consumer,” ani Speaker. Ang suwestiyon ay ginawa […]
-
Makakasama muli sina Vic, Sylvia at Martin: ICE, kinakabahan pa rin kapag may big concert
MADAMDAMIN ang last taping day ni Dennis Trillo para sa hit serye na Maria Clara At Ibarra. Gumanap siya sa serye bilang Crisostomo Ibarra sa unang bahagi ng serye, kung saan inilahad ang kuwento ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nang tumawid ito sa kuwento ng ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, agad […]