• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero kalaboso sa patalim at pagwawala sa Valenzuela

BINITBIT sa selda ang isang construction worker matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng patalim sa Valenzuela City, Lunes ng umaga.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal) at Batas Pambansa bilang No. 6 (Illegal Possesion of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) ang naarestong suspek na si alyas Rueleu, 33 ng Tiago St., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Sa ulat nina police investigators PSSg Jeff Bautista at PSSg Raquel Angoluan kay Valenzuela police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:50 ng umaga nang maaresto ng RCSP Valenzuela Team 1 ang suspek sa kanto ng Aster at De Castro Sts., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na habang sagsasagawa ng police visibility patrol ang mga miyembro ng RCSP sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan sa nasabing lugar nang makita nila ang suspek na may bitbit na patalim habang nagsisigaw at nagwawala na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.

 

 

Kaagad nilapitan ni PCMS Santillan ang suspek at inaresto saka kinumpiska ang hawak niyang patalim na isang folding knife bago dinala sa Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela CPS. (Richard Mesa)

Other News
  • May pahiwatig na pagtatambalin sa isang movie: Sweetness nina JERICHO at KATHRYN, marami na ang nakakapansin

    KAPANSIN-PANSIN na sa ginanap na birthday celebration ng kasalukuyang GMA consultant na si Mr. Johnny Manahan na kilalang Mr. M ay halos karamihan ng dumalo ay mga Kapamilya stars.   Sa mga pictures na naglabasan sa nasabing birthday celebration ni Mr. M ay Ilan sa nakikita na present ang mga big stars na sina Piolo […]

  • Pagrepaso sa K-12 program aarangkada ngayong Enero

    SISIMULAN na ngayong Enero ang pagrepaso sa K to 12 program at sa buong basic education system sa bansa ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).     Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Education, may 10 taon ang binigay ng kongreso sa EDCOM II para pag-aralan ang buong educational […]

  • DA, umangkat ng 21K metriko toneladang sibuyas para ngayong holiday season

    UMANGKAT ang Department of Agriculture (DA) ng  21,000 metriko tonelada ng sibuyas upang matugunan ang mataas na demand ngayong  holiday season.     Sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI)  na umangkat ang  Department of Agriculture (DA) ng  17,000 metriko toneladang pulang sibuyas at 4,000 metriko toneladang dilaw na sibuyas mula sa  China, India at […]