• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese National, inaresto sa pagnanakaw

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa  Tokyo sa kasong theft at robbery.

 

 

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa  Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search unit.

 

 

“He was already placed in our immigration blacklist of undesirable aliens, thus he is perpetually barred from reentering the Philippines,” Tansingco added.

 

 

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si  Hiroki ay nagtatago sa Pilipinas simula pa noong November 20, 2019  kung saan siya ay dumating bilang turista. Taong 2022 lamang ng ipaalam sa BI ang kanyang kaso sa Japan.

 

 

Si Hiroki ay may standing warrant of arrest na insiyu ng Tokyo Summary Court  dahil sa kasong  theft na isang paglabag  sa Japanese penal code.

 

 

Ayon sa Tokyo policemen, nakipagsabwatan ang suspek sa isa pa upang makapagnakaw sa isang bahay sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang isang police at makapasok sa loob upang mag-imbestiga hinggil sa ninakaw na ATM card.

 

 

“Further, he is being investigated by the Japanese authorities for his involvement in alleged telecommunications fraud activities,” ani Sy. GENE ADSUARA .

Other News
  • JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

    THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.     “Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The […]

  • TONI, ni-reveal na si PEPE ang leading man sa ‘My Sassy Girl’; 2006 pa gustong gawin ang remake

    KATULAD ng pinangako ng TinCan Films, magkakaroon ng separate announcement sa magiging leading man ni Toni Gonzaga, matapos na I-reveal na ang tv host/actress ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit romcom movie na My Sassy Girl.     Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook […]

  • DSWD, may sapat na pondo para sa calamity assistance hanggang matapos ang 2022

    MAY sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para suportahan ang  calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022.     “As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito […]