• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pumalag sa mga black propaganda… ZUBIRI, HANDANG MAGSAMPA NG KASONG CYBER LIBEL

NAGBANTA si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na handa siyang magsampa ng kasong cyber libel sa mga influencer at vlogger na naglalabas ng fake news para ipinukol sa kanyang reputasyon at pangalan na matagal niyang inalagaan.

 

 

 

Isa-isa ngang sinagot ni Zubiri ang mga lumabas na black propaganda na nakapaloob sa maraming videos na nagkakalat ng malisyosong tsismis na ipinost sa social media at na-timing sa kanyang pagpapababa bilang Senate President.

 

 

 

“They came out with a first set of videos two months ago, on the first attempt to unseat me. When that failed, they produced a part two video, which was released during the week of the second attempt. The timing is impeccable,” panimula ni Zubiri.

 

 

 

May “impeccable timing” umano ang black propaganda dahil lumabas ito kasabay ng kanyang pagbaba bilang Senate President.

 

 

 

“It’s an obvious attempt to discredit my leadership and taint my name. And they’re funneling huge amounts of money into this campaign – from production to promotion,” dagdag pa niya.

 

 

 

“So to whoever’s spreading these lies to make it look like I’m pocketing government money to buy mansions and jets, these are totally false. I hope they’re ready because I will be filing cases and will not stop until justice prevails.”

 

 

 

Ayon sa mga fake new video, mayroon daw umanong bahay si Zubiri sa Forbes Park, kasama ang private airplanes, jets at helicopters, at galing daw umano ito sa katiwalian.

 

 

 

“Walang katotohanan yan,” deklarasyon ni Zubiri, kasabay ng paghahamon na kung may makita silang bahay ng senador sa Forbes, sa kanila na ito.

 

 

 

Depensa ni Zubiri, wala siyang pag-aari sa Forbes Park. “Yung bahay ko ngayon, na wala sa Forbes, ay nabili ko noong 2009 pa po. At nasa SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) ko po iyan,” dagdag niya.

 

 

 

Sa isyu naman ng pribadong mga eroplano, ipinaliwanag niya na humihiram lang siya nito para magampanan ang mga obligasyon niya bilang senador – lalo na noong panahon niya bilang Pangulo ng Senado, at lalo kung hapit ang schedule.

 

 

 

Kasama rin sa mga balita ang pagpapatayo ni Zubiri ng isang resort sa Camiguin – na siya namang inamin ng senador.

 

 

 

“This is not a private hideaway, and you can find the property in my SALN,” sabi pa niya.

 

 

 

“Nagpapatayo ako ngayon doon ng maliit na resort, dahil naniniwala ako sa ganda ng Camiguin at ng Northern Mindanao, at gusto kong tumulong na gawin itong top tourist destination dito sa Pilipinas,” paliwanag ni Zubiri.

 

 

 

Ipinaliwanag din niya na bilang negosyante, “may kaya naman po tayo.”

 

 

 

Naka-base sa Bukidnon ang pamilya ni Zubiri, na matagal nang nasa industriya ng pagpo-proseso ng asukal at pagtatanim ng pinya. Ang senador mismo ay may negosyong planta ng industrial ice sa Iloilo at Cagayan, at planta ng renewable energy sa Bukidnon.

 

 

 

“May income po tayo, at nasa SALN ko po lahat iyan. And we pay all our taxes,” sabi niya.

 

 

 

“I always encourage aspiring politicians to have their own sources of income separate from public service. Para walang temptation na mangurakot sa kaban ng bayan,” pagpapatuloy ni Zubiri.

 

 

 

“Matagal na ako sa pulitika, and I take pride in maintaining a clean record. Wala tayong scandals sa pera ng bayan. Kasama ba tayo sa Napoles Scandal? Hindi. Dahil hindi tayo sumang-ayon sa paglagay ng pera ng bayan sa mga private foundations.”

 

 

 

Noong panahon niya sa Kamara, natatandaan ni Zubiri na nilapitan siya ng dalawang tao sa magkahiwalay na okasyon at hinihingi ang kanyang pirma sa liquid fertilizer scam, kapalit ng P5 million.

 

 

 

Galit niyang pinaalis at tinanggihan ang mga ito.

 

 

 

“I am proud that I was never part of those PDAF and fertilizer scams in previous administrations,” pahayag pa ng senator. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads June 3, 2024

  • Serena Williams umatras na sa pagsali sa US Open

    Umatras na si Serena Williams sa pagsali sa US Open.     Sinabi nito na hindi pa gumagaling ang kaniyang torn hamstring injury kaya minabuti niyang umatras sa torneo na magsisimula sa susunod na linggo.   Natamo nito ang kaniyang injury sa nagdaang Wimbledon.     Dahil dito ay naging malabo na makamit nito ang […]

  • Pagsuspinde sa sesyon ng Kongreso ni Cayetano, isang astute political move-Sec. Roque

    PARA sa Malakanyang, isang matalinong political move ang ginawa ni House Speaker Alan Peter Cayetano nang biglang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Act at suspendihin ang sesyon ng Kongreso hanggang Nobyembre 16.   Ayon kay Presidential Spokes- person Harry Roque, “House Speaker Alan Peter Cayetano’s move to […]