• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI na tulak nadakma sa Valenzuela drug bust

ISANG umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang natimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas ‘Dante Lalog’, 38, ng Tañada Subd., Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na patuloy pa rin umano ang suspek sa kanyang ng ilegal drug activities kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa kanya.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:00 ng hapon sa Karen Avenue, beside THOA bastketball Court, Brgy. Gen. T De Leon.

 

 

 

Ani PMSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa record ng SDEU, dati ng naaresto ang suspek dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga subalit, nang makalabas ay muli naman umanong nagbenta ng shabu.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Tolentino ipapasok ang esports sa SEAG

    KAPIT-KAMAY sina Philippine Olympic Committee (POC) President at  Cavite Seventh District Rep. Abraham Tolentino at National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) President Ramon Suzara sa pagla-lobby sa Vietnam para manatili ang  esports sa 31st Southeast Asian Games 2021.   Ito ay matapos makahanap ng mapuwersang kaalyado ang POC sa pamamagitan ng Asian Electronic Sports Federation […]

  • Marcos sa political dynasties: ‘Kung gusto maglingkod, hindi mapipigilan’

    KAHIT BAWAL sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang political dynasties, ipinipilit ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi dapat pigilan ang sinumang gustong pumasok sa serbisyo publiko — pwede naman daw kasi mawala ang political clans kung ‘di na iboboto ng tao.     “You cannot stop people from wanting […]

  • Kelot kalaboso sa pambabastos at tangkang panunuhol sa pulis at biktima

    ISINELDA ang isang kelot matapos tangkain suhulan ang mga pulis at biktima nang maaresto sa entrapment operation dahil sa pambabastos sa 19-anyos na senior high school student sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11312 of the Safe Spaces Act at attempted corruption of public official ang […]