• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’

ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon.

 

 

 

Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai sa mga bosing ng Star Cinema.

 

 

 

Sa report naman ng ABS-CBN news last Thursday ay inamin na raw ni Ai Ai na siya ang magsisilbing co-producer.

 

 

 

“Ako ‘yong magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema. Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano magagastos sa ganito, sa ganyan,” lahad naman ni Ai Ai.

 

 

 

Ayon pa rin daw sa aktres na hindi lang daw siya ang interesado pati raw ang mga naging anak niya sa movie.

 

 

 

“Actually, kinakausap ko na ang ‘yong mga anak ko, go naman sila. ‘Yong mga ‘Tanging Ina’ na anak ko kasi may chat group kami,” pagmamalaki pa ni Ai Ai. Pagbabalita pa ng Ms. A na tuwang-tuwa raw ang mga anak niya nang ibalita sa mga Ito ang nakatakdang pagpo-produce ng “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

“Sinabi ko sa kanila, ‘kapag ba ginawa natin ito, go kayo?’ Sabi nila: ‘Oo Mama, go kami diyan.’ Sabi ko, ‘O sige, try natin, hahanap ako ng producer tapos gawin natin.’”kuwento pa rin ni Ai Ai.

 

 

 

Ang tinutukoy niyang mga “anak” ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka.

 

 

 

Sana lang matutuloy ang planong ito ni Ms. Ai Ai delas Alas.

 

 

 

***

 

 

 

SPEAKING of paggawa ng movie, may mga suhestiyon ngayon na dapat pangunahan ng mga sikat nating mga artista ang paggawa ng pelikula.

 

 

 

Kumbaga, kung nais daw na bumalik ang sığla ng pelikulang Pilipino ay dapat ‘yung mga sikat na may box office appeal ang mangunguna sa pag-produce ng movie.

 

 

 

May Balita rin na bukod kay Ai Ai ay may balak ding gumawa ng pelikula ang Star for All Seasons bago tuluyang pumalaot muli sa mundo ng pulitika..

 

 

 

Mukhang decided na raw kasi si Ate Vi na tatakbong gobernador ng Batangas this coming 2025.

 

 

 

May suhestiyon pa rin ang netizens sa grupong tatag na AktorPH na sana raw unahing gawan ng paraan na bumalik sa panonood sa mga sinehan ang tao.

 

 

 

Ang nangyayari ay tuwing Metro Manila Film Festival lang kasi nanonood ang tao, paano naman ang mga pelikulang pinalalabas bago mag-Pasko?

 

 

 

Kumbaga, kahit may kalidad ay nangamote pa rin sa takilya, huh!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • PDu30, kumpiyansa na ang kanyang successor ay magko-‘commit’ na tuldukan ang problema sa ilegal na droga

    KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang susunod na Pangulo ng bansa ay masigasig din na itigil ang malaganap na ilegal na droga sa bansa.     Ito’y bunsod na rin ng pag-aalala ng Pangulo sa posibleng muling pagkabuhay ng ilegal na droga matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.     “Paalis na […]

  • PNP nakahanda sa pagpapatupad ng ‘granular lockdown’ sa NCR

    Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na handa ang PNP sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung ito ang ipag-utos ng IATF pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Setyembre 7.     Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay, na may mataas na kaso ng COVID 19.   […]

  • Pinas, inalis na ang negative COVID test requirement para sa inbound travelers

    HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas.       Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement.       Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for […]