• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napa-OMG dahil sa sariling wax figure: LEA, pang-apat na Pinoy celeb sa Madame Tussauds Singapore

MAGKAKAROON na ng kanyang sariling wax figure sa Madame Tussauds in Singapore ang Filipino international star na si Lea Salonga.

 

 

 

Deserve ni Lea ang pagkilalang ito dahil siya ang kauna-unahang Filipino na manalo ng Tony Award para sa ‘Miss Saigon’. Tinanghal din si Lea bilang isa sa Disney Legends. Aktibo pa rin si Lea sa pag-perform on New York’s Broadway and London’s West End.

 

 

 

Sa Instagram account ng Madame Tussauds, naka-post ang photos at video nang pagkuha nila ng tamang measurements ng mukha at katawan ni Lea. Pati na ang pagkuha sa tamang skintone ng singer-actress.

 

 

 

“Shining, Shimmering, Splendid! The legendary Lea Salonga will have her very own wax figure in Madame Tussauds Singapore! Are you as excited as we are?” ayon sa caption.

 

 

 

Sey ni Lea: “When my manager said this is happening; that Madame Tussauds is interested in turning me into a wax figure, I was like ‘Oh, my God!’ It’s an absolute honor and privilege. It’s fantastic! I’m super delighted to be joining Madame Tussauds to get my very own wax figure. Are you ready?”

 

 

 

Si Lea ang ika-apat na Filipino celebrity na magkaroon ng wax figure sa Madam Tussauds in Singapore. Una ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, pangalawa ay si Pambansang Kamao Manny Pacquiao at pangatlo ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

 

 

 

***

 

 

 

NAGKOMENTO ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil tungkol sa mga kabataang artista ngayon na napansin niyang hindi naghahanda kung minsan pagdating sa mga linya ng kanilang eksena.

 

 

 

“Some of them are good though. Ang problema ko lang kung minsan hindi sila masyadong nagfo-focus sa lines nila. Like for instance, before I go to the set, I prepare myself… as far as the role is concerned, and I really, really prepare my dialogues and all of that. You have to be able to be prepared in every way,” sey pa ng bagong kontrabida sa teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

 

 

 

May ilang mga batang artista siyang nakakatrabaho na tila hindi pa kabisado o saulado ang mga linya pagdating sa shooting.

 

 

 

“Minsan kinakausap ko ‘yan. Privately lang. Kinakausap in the sense na, I make it come out like it’s an advice,” sey pa ni Pilar.

 

 

 

***

 

 

 

BINABAWI ng Howard University ang honorary degree na binigay nila sa rapper na si Sean “Diddy” Combs dahil sa kinakasangkutan nitong sexual assault lawsuits.

 

 

 

Ibabalik din ng university ang $1 million contribution ni Diddy para sa tinatag nitong scholarship.

 

 

 

 

Ayon sa statement ng HU: “The Board of Trustees voted unanimously today to accept the return by Mr. Sean Combs of the honorary degree conferred upon him in 2014. The decision revokes all honors and privileges associated with the degree. Mr. Combs’ behavior as captured in a recently released video is so fundamentally incompatible with Howard University’s core values and beliefs that he is deemed no longer worthy to hold the institution’s highest honor.“

 

 

 

Six women na ang nag-file ng kaso laban kay Diddy dahil sa ginawa nitong sexual assault and harassment.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

    MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.     Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.     “Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me […]

  • Ads December 18, 2021

  • Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

    Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive.         Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, […]