SSS, muling inilunsad ang pension boosters
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
MAAARING mag-invest ang mga miyembro ng Social Security System sa kanilang pension fund dahil muling inilunsad ng SSS ang kanilang Pension Booster program.
Kilala noon bilang Workers and Investment Savings Program o WISP at WISP Plus, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Macasaet na hinihikayat nila ang mga professionals at middle class workers na magdagdag pa sa kanilang pension savings bukod pa sa kanilang buwanang kontribusyon.
Sa ilalim ng revised scheme, ang WISP ay tatawagin bilang My SSS Pension Booster Mandatory, habang ang WISP Plus ay tatawagin naman bilang My SSS Pension Booster Voluntary. Ang bagong voluntary program ay nag-aalok sa mga miyembro ng minimum na P500 para palakasin ang kanilang pondo. Wala namang limit sa kung paano sila mag-iimpok ng pera.
“Ang Pension Booster po ay for people na may sobrang pera po. Halimbawa, OFWS, seafarers, doctor, dentista, mga empleyado ng gobyerno na member din ng SSS.Habang may kaya pa kayo, matigas pa ang tuhod, hindi na kung ano-ano nang investments,” ayon kay Macasaet.
Magsisimula sa P500 ang boluntaryong pagbabayad sa Pension Booster.
Pinapayagan naman ng flexible terms ang mga miyembro na mag-withdraw mula sa Pension Booster ‘in case of emergency.’ Ang kapabayaan sa pagbabayad ay hindi makaaapekto sa kontribusyon ng mga miyembro.
Gayunman, hinikayat ng SSS ang mga miyembro na panatilihin ang pagi-ipon ng pondo sa loob ng limang taon para ma-maximize ang tinatantiyang 7.2% na annual interest rate.
Ayon kay Macasaet, ang Pension Booster ay isang oportunidad para sa mga miyembro na magkaroon ng kanilang pension savings kagaya ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS).
Ang share ng employer sa GSIS contributions ay 12% habang ang mga empleyado naman ay nagko-contribute ng 9% ng kanilang sahod.
Ang SSS contributions ay pinaghahatian ng empleyado at employer na may 14% contribution rate subalit sa Social Security Act, tanging P3,000 ang maximum na pinapayagan sa sahod ng empleyado para ma-cover.
Ang mga miyembro na kumikita ng mas higit pa sa P20,000 ay ‘automatically enrolled’ sa Pension Booster, kung saan pinapayagan ang mga miyembro na kumita ng mas higit pa sa contribution ceiling.
“Tumutulong ako sa mga miyembo namin na malaki ang kita pero nagrereklamo na maliit ang pension…It depends kung magkano ang iko-contribute mo depende sa edad. 25 (years old) kayo, 30 (years old) kayo, magdagdag ka lang ng P500 a month, siguro may additional ka nang P5,000 to P10,000 a month for life, ” ayon kay Macasaet.
Ang lahat ng SSS members ay maaaring mag-avail ng MySSS Pension Booster.
Ang enrollment ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng SSS Member Portal sa ilalim ng WISP, na sa huli ay pinalitan ng Pension Booster.
Ang collection partners gaya ng mga bangko at Bayad Centers ang siyang magpo-proseso ng pagbabayad. (Daris Jose)
-
Crime rate sa NCR, bahagyang tumaas kasunod ng alert level 1 implementation
BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR). Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region police office (NCRPO) na bahagyang tumaas ang crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NCRPO PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa […]
-
Zoey Taberna, nag-open up sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na leukemia sa murang edad
“Just the word ‘leukemia’ itself made me so afraid.” Ang leukemia, ayon sa healthline.com, “is a cancer of the blood cells.” Ito ang bahagi ng madamdaming post sa Instagram ni Zoey Taberna, ang panganay na anak ng brodkaster na si Anthony Taberna. Si Zoey, 12, ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia. Noong December 2, […]
-
Name dropping para matakasan ang batas o makahingi ng pabor sa pamahalaan, dapat gawing criminal offense
MARAMING enforcers na tapat na pinatutupad ang batas ay naaalanganin kapag ang kanilang hinuhuli ay nag na-name drop ng mataas na opisyal para takasan ang batas. Sa traffic enforcement lang ay napakarami na ang nag viral na ang hinuhili ay nagpapakilalang kamag anak ni Heneral, ni Mayor, Senador o sino pang bigatin sa […]