DBM, aprubado ang paglikha ng 89 plantilla positions sa National Museum
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang naging kahilingan ng National Museum of the Philippines (NMP) para sa ‘organizational at staffing changes’ kabilang na ang paglikha ng 89 karagdagang permanent positions.
Ang pagpayag ng DBM ay pagkilala sa mahalagang papel ng cultural heritage at kasaysayan sa economic development ng bansa at para tumulong na madagdagan ang operasyon ng National Museum.
“We believe that these organizational and staffing changes will significantly enhance the National Museum’s operations, allowing the agency to better serve the public and fulfill its mission to preserve and promote our cultural heritage,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“Nais po ni Pangulong Bongbong Marcos na kasama sa ating national agenda ang pagpapalakas sa turismo at pangangalaga sa ating pagkakakilanlan. Kaya naman po patuloy pong bibigyang suporta ng DBM ang NMP at mga programa nito,” dagdag na pahayag ng kalihim.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11333 o National Museum of the Philippines Act, “the NMP is regarded as the primary institution for the management and development of museums and collections of national scope or significance in the areas of arts, cultural heritage, and natural history, to protect, preserve, study, and promote national patrimony.”
“The creation of 89 plantilla positions in various units of the NMP across the country will support the existing staff of the agency, as well as further enhance its operations,” ayon sa departamento.
Ang iba pang organizational modifications na inaprubahan ng DBM ay ang pagbabago sa nomenclature ng nakatitiyak na unit upang malinaw na ipahiwatig ang ‘specific roles, functions, at activities’ nito at maging ang ‘reclassification at conversion’ ng siguradong posisyon para suportahan ang NMP sa pagganap sa mahalagang tungkulin gaya ng pagbibigay ng ‘lectures/gallery talks, paghahanda ng reports at iba pang dokumento, at pagsasagawa ng iba pang technical at general support-related tasks.
Samantala, inaprubahan din ang paglilipat ng ilang posisyon mula sa isang unit tungo sa iba pa.
Nakapaloob naman sa Notice of Organization, Staffing and Compensation Action na ipinalabas ng DBM ang pag-apruba sa ‘organizational at staffing modifications’ ng museum noong May 21, 2024. (Daris Jose)
-
Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers
ANG pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies. Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang […]
-
Masbate discus thrower nagtala ng gold medal sa Batang Pinoy
NAKUHA ng discus thrower mula sa Masbate ang unang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships. Naitala ni Courtney Jewel Trangia ang 38.30 meters sa girls division na ginanap sa Ramon V. Mitra Jr Sport Complex sa Puerto Princesa, Palawan. Ito na ang pangatlong sunod na kampeonato […]
-
P1K ayuda sa Bayanihan 3 kinontra sa Kamara
Hindi sinang-ayunan ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3. Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda […]