• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot na ‘tulak’ laglag sa P238K droga sa Valenzuela

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang babae na umano’y tulak ng illegal na droga matapos madakip sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

 

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Noezel, 36, (SLI/Pusher) ng Brgy. Marulas.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-4:35 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Liwayway St. Brgy., Marulas.

 

 

 

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SDEU hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa kanya.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang walong pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 35 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P238,000.00, buy bust money, P300 recovered money, cellphone at coin purse.

 

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

 

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Taxis humihingi ng P30 na flagdown

    ANG MGA samahan ng taxi operators at drivers sa bansa ay humihingi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng konsiderasyon sa kanilang petisyon na itaas ang flagdown ng taxi kung saan ito ay una nang binasura ng ahensiya.       Humihingi sila ng P30 flagdown rate mula sa LTFRB na hindi naman […]

  • BIANCA, mas ganadong gumiling-giling sa TikTok videos dahil kanyang 1.2M followers

    KAYA ganadong gumiling-giling sa TikTok videos niya ang Legal Wives star na si Bianca Umali dahil umabot na sa 1.2 million ang followers niya sa naturang video-sharing app.     Noong 2015 pa may account si Bianca sa TikTok pero na-hack daw ito. Noong mabalik ang account niya, hindi raw niya ito masyadong binigyan din […]

  • IATF, pinalawig ang alert level system sa labas ng NCR

    PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang alert level system na ipatutupad na rin sa iba pang mga lugar labas ng National Capital Region (NCR) simula ngayon, Oktubre 20 hanggang katapusan ng buwan.   Ang Alert level 4 ay ipatutupad sa: Region 7: Negros Oriental Region 11- Davao Occidental   Habang ang Alert level 3 […]