• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ipagbawal at gawing krimen ang operasyon ng POGO sa bansa, inihain ng mambabatas

PINANGUNAHAN ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang paghahain ng panukalang magbabawal at gawing krimen ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Sa panukalang “Anti-POGO Act,” idedeklara ang polisiya ngestado na ipagbawal o i-ban ang POGOs na “increasingly become a social menace and a source of unimaginable corruption” by mocking Philippine laws against money laundering, immigration violations, tax evasion, and other criminal offenses.
Ayon kay Castro, dala rin ng pogo ang ilang krimen na pinatunayan ng ilang police raids – tulad ng rape, murder, illegal recruitment, human trafficking, prostitution, illegal detention, inhumane labor practices, money laundering, and immigration bribery at iba pa.
Pinababawi rin ng panukala ang lahat ng lisensiyang ibinigay sa pogo.
Pagbabawalan din ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay ng work permits at visas na may kaugnayan sa offshore gaming, at kinakailangang magsumite ng annual compliance report mula sa kaukulang ahensiya.
Kasama ni Castro sa paghahain ng panukala sina Reps. Arlene Brosas (Gabriela Women’s Party) at Raoul Danniel Manuel (Kabataan Party-List.
“We call on our colleagues in Congress to swiftly approve this bill that will protect Filipino families and communities from the proliferation of crimes and social ills brought about by POGOs,” pagtatapos ni Castro. (Vina de Guzman)
Other News
  • Skyway 3 toll fee simula na sa July 12

    Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3.     Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, […]

  • PHILPOST, NAGBABALA SA SCAMMER

    NAGBABALA sa publiko ang Philippine Post Office (PPO) sa umanoy mapanlinlang na tawag  mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.     Sinabi ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag  sa mga kliyente nito para sa anumang transaksyong pinansyal.     Nagbabala ang Post Office sa mga scammers […]

  • SRI para sa DepEd teachers, non-teaching staff ipalalabas sa Dec 20

    IPALALABAS ang Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga public school teachers at non-teaching staff na nagkakahalaga ng P20,000 simula Disyembre 20.       Pinuri ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagkakaloob ng maximum SRI sa mga DepEd personnel.     “This is a […]