• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

 

 

 

 

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.

 

 

 

 

Nauna nang ipinanukala ng DSWD ang panukalang reporma sa 4Ps noong Pebrero kung saan nais nila itaas ang cash grants sa First 1,000 days (F1KD) ng mga bata para tumaas din ang purcha­sing power ng 4Ps bene­ficiaries at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.

 

 

 

Kahapon sa ginanap na sectoral meeting ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na maglaan ng ayuda sa mga buntis at nagpapasusong mga ina para masiguro na mabibigyan sila ng serbisyong pangkalusugan at matugunan din ang kalusugan ng mga bata sa unang 1,000 days.

 

 

 

Sa ilalim ng kasaluku­yang programa, ang isang 4Ps beneficiary-family ay makakatanggap ng daycare at elementary grant na P300 kada bata kada buwan sa loob ng isang buwan sa kondisyon na sila ay pumapasok sa eskwelahan; P500 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 10 buwan para sa junior high school at P700 kada bata tuwing isang buwan at sa loob ng 12 buwan.

Other News
  • Ads January 4, 2025

  • P10.9-M halaga ng motor vehicles na o-orderin via eMarketplace, tinurn over na-DBM

    TINATAYANG may anim na motor vehicles na nagkakahalaga ng P10.9 milyon na in-order sa pamamagitan ng eMarketplace online platform ang tinurn over na sa procuring entities.     Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang   eMarketplace ay isa sa maraming bahagi ng New Government Procurement Act (NGPA), batas na pinirmahan ni Pangulong […]

  • Chair LALA, tinalakay ang ‘Responsableng Panonood’ at obligation ng content creators

    BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na may etikal na obligasyon ang mga content creators na protektahan ang mga kabataan laban sa mga mapanganib na palabas sa gitna ng mabilis na pagbabago sa daigdig ng media at pelikula.     Sa kanyang talumpati kamakailan sa 2024 […]