LTO hindi maglalabas ng mga na-impound na colorum na sasakyan hanggang walang kautusan ang korte
- Published on June 13, 2024
- by @peoplesbalita
Tanging korte lamang ang maaring magbigay ng kautusan para mabawi ang mga nakumpiskang colorum na sasakyan.
Sinabi ng Land Transportation Office (LTO), na hindi sila basta naglalabas ng mga nakumpiskang colorum na sasakyan kahit na nakapagbayad na ang mga operators ng mga multa.
Giit ni LTO chief Vigor Mendoza na marapat na kumuha ang mga operators ng court order bago nila mai-release ang nasabing sasakyan.
Layon ng nasabing hakbang ay para tuluyang mapahinto ang operasyon ng colorum na sasakyan sa bansa.
Inirereklamo kasi ng mga legal na may prankisa na nababawasan ang kanilang kita dahil sa talamak an pamamasada ng mga kolurm na sasakyan sa bansa.
-
P5 taas-pasahe sa jeep inihirit ng transport group
NANAWAGAN kahapon ang transport group na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pamahalaan na aprubahan na ang hiling nila na P5 dagdag-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ayon kay FEJODAP president Ricardo “Boy” Rebaño, umaasa silang aaksiyunan ng pamahalaan […]
-
Organizers ng Tokyo Olympics walang gagawing pagbabago sa mga venues
Tiniyak ng organizer ng Tokyo Olympics na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda. Walang aniyang pagbabago sa mga venues na gagamitin kung ano ang napag-usapan sa naunang plano. Nakatakda kasing magbigay ng mga updates at ulat ang organizers sa International Olympics sa darating na Hulyo 17. Magugunitang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo […]
-
Casimero, naka-TKO win sa kaniyang muling pagbabalik sa boxing
NAKA-SCORE ng knockout victory si John Riel Casimero laban kay Saul Sanchez sa unang round pa lamang sa laban nito sa Japan nitong Linggo. Bago pa man ang kaniyang panalo ay humarap muna sa mga problema ang boksingero pagdating nito sa kaniyang timbang. Dalawang beses kasing sumobra sa limit ang timbang […]