• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkatulad sila ni Piolo: GLADYS, may tatlong nominasyon sa ’40th Star Awards for Movies’

TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies.
Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press.
Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula pa rin nominated si Gladys sa 2024 Star Awards for Movies.
Makakalaban ni Gladys ang mga kapwa premyadong aktres na sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Ai Ai Delas Alas, Marianne Rivera, Assunta De Rossi, Gina Alajar at Kathryn Bernardo.
Sa Best Supporting actress naman ay nominated pa rin si Gladys dahil sa ipinamalas niyang akting sa pelikulang “Here Comes the Groom”. Makakatunggali naman niya ang dalawang nominado pa rin sa best actress na sina Gina Alajar at Alessandra de Rossi kasama sina Cherrie Pie Piccache, Gloria Diaz, Dolly De Leon at ang gagawaran ng Ulirabg Artista sa taong ito na si Liza Lorena.
Hindi pa rin papakabog si Gladys sa mga co-nominees niya para naman sa PMPC darling of the press.
Makakalaban naman ni Gladys sa nasabing kategoriya sina Sen. Bong Revilla, Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Alden Richards, Liza Diño-Seguerra, Rei Tan at si Sen. Robin Padilla.
Nang hingan namin ng reaksiyon sa pamamagitan ng messenger ang asawa ni Christopher Roxas ay napapa wow na lang ang aktres.
Siyemre hindi raw naman siya umaasa na masungkit niya kahit isa man lang sa tatlong nominasyon.
 Katwiran ni Gladys magagaling ang mga makakalaban niya, huh!
 Anyway kagagaling lang ni Gladys sa series of engagement abroad at ang tatlong nominasyon from Star Awards ang sumalubong sa kanya.
Incidentally, tatlong nominasyon din ang nakuha ni Piolo sa 40th Star Awards for Movies.
Nominated si Piolo sa best actor (Mallari), best supporting aktor (Gomburza) at PMPC Darling of the Press.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Pagkatapos na sumabak sa mga sexy flicks: RASH, gusto namang makagawa ng action movie

    GIVEN a chance, gusto naman ni Rash Flores na gumawa ng action movie after doing several skinflicks sa Vivamax.   Umaasa ang lead actor ng ‘Porn Star 2’ na in the future ay mabibigyan siya ng pagkakataon na sumubok ng ibang genre.   Among the movies na ginawa niya, isa sa paborito ay ang ‘Palitan’ […]

  • COVAX, nangako na papalitan ang mga expired vaccines

    WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging commitment ng Covid-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility na palitan ang 3.6 milyong doses ng bakuna sa bansa na napaso’ na o expired na.     “That’s nice of them to do that. It’s a distinct humanitarian sentiment,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the […]

  • Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

    IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo. Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana […]