• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang

DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.

 

 

 

Makikitang nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Ambassador Huang Xi Lian at Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng magka daupang palad ang mga ito.

 

 

 

Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea kasunod ng mga ginagawang pambu bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas, nagpakita pa rin ang Chinese envoy sa Malakanyang.

 

 

Una ng binigyang-diin ng Pangulong Marcos na kahit isang pulgada sa teritoryo ng bansa ay hindi nito isusuko.

 

 

 

Ngayong araw ng Kalayaan, pinuri naman ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines sa katatagan nilang protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa.

 

 

 

Sa nasabing aktibidad, nakitang nagka-usap din sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Ambassador Huang Xi LIan. (Daris Jose)

Other News
  • Nagpaunlak sa clean-up drive sa Batangas: ALDEN, nag-dive sa dagat para mangolekta ng mga plastik

    MAHUSAY palang sea diver si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Tinanggap ni Alden ang invitation ng “Century Tuna’s SOS (Saving Our Seas)” campaign for a better and cleaner world, together with his co-Century Tuna Superbods, for an ocean clean up drive in Batangas last Saturday, March 25 (kaya wala siya sa “Eat Bulaga”).   Ginawa ang […]

  • PhilHealth, sasagutin ang Covid-19 testing costs–Nograles

    SASAGUTIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang testing costs ng isang indibidwal na nais na magpagamot matapos na ma-infect ng coronavirus disease (Covid-19).   Ito’y upang hindi na mag-alala ang publiko sa magiging gastos kapag nagpagamot dahil sa Covid-19.   Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang Covid-19 tests sa mga ospital ay […]

  • PBBM, pamilya binisita at nagbigay-galang sa namayapang ama na si Marcos Sr. nitong Undas

    GAYA ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  at ng kanyang pamilya  na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa  Libingan ng mga Bayani (LNMB), araw ng Martes, Nobyembre 1.     Sa katunayan,  isang misa ang isinagawa para kay  Marcos Sr.     Kasama […]