• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA) upang masiguro ang ‘uniform valuation’ sa real property assets.

 

 

Ayon sa Bureau of Local Government Finance, layon ng batas na i- promote ang development ng isang ” just, equitable, and efficient real property valuation system” na naka- aligned sa international standards.

 

 

Layon din ng batas na tugunan ang tinatawag na systemic problems, kabilang na ang multiple valuations sa bansa.

 

 

“The rampant disparity arises from overregulation and overlapping policies and jurisdiction resulting to weaker control and inconsistency in valuations,” ayon sa ulat.

 

 

Ayon sa Bureau of Local Government Finance, na sa pagi-improve sa kalidad ng valuation ng lokal na pamahalaan at gawing madalas ang revision , episyente, transparent, reliable, at attuned sa market developments, ang bagong batas ay magkakaroon ng ‘favorable impact’ sa revenue generation at resource mobilization ng lokal na gobyerno.

 

 

“This will later respond to their funding requirements for their service delivery,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • 2 ONLINE SELLER ARESTADO SA P40K SHABU

    ARESTADO ang dalawang babaeng online sellerĀ na sidelineĀ umano ang pagtulak ng ilegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Jane Gellado, 38, ng Alupihan […]

  • Ads April 29, 2022

  • Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno.   Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, […]