• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arrest order ng China simula na ngayon

TINIYAK ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang  tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea.

 

 

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy lang sila sa kanilang maritime patrol sa lugar na sakop ng Pilipinas.

 

 

 

Mananatiling matatag ang kanilang puwersa sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng bansa gayundin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan sa WPS.

 

 

Sinabi ni Trinidad na ang anti-trespassing policy ng China na magsisimula ngayon ay pagbalewala sa international maritime rules and regulations.

 

 

Ani Trinidad, hindi magpapaapekto at matatakot ang Pilipinas sa mga banta at harassment ng China.

 

 

“The presence and actions of its vessels in our waters are illegal, coercive, aggressive and deceptive. We will not be deterred or intimidated,” ani Trinidad sa ABS-CBN News.

 

 

 

Sa ilalim ng regulasyon ng China, aarestuhin ang sinumang indibidwal na iligal na papasok sa kanilang katubigan at ikukulong ng 60 araw o sa loob ng dalawang buwan ng walang paglilitis.

 

 

 

Una nang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi nila papayagang arestuhin ng China ang sinumang Pilipino na papasok sa WPS.

 

 

 

Sa katunayan, dinagdagan na rin nila ang mga magpapatrolya sa WPS. Maging ang ibang bansa ay handang tumugon sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • PhilSA, inilabas ang mapa na nagpapakita ng posibleng lawak ng Bataan oil spill

    NAGPALABAS ng mapa ang Philippine Space Agency (PhilSA) na nagpapakita ng potensiyal na laki o lawak ng oil spill mula sa tumaob na Philippine-flagged Motor Tanker Terra Nova sa lalawigan ng Bataan.         “It includes the tanker’s location as well as a satellite image of the oil leak that was taken at […]

  • Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE

    HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever.        Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod […]

  • Hindi pinakanta sa videoke, napraning, kelot nanaga ng kapitbahay sa Malabon

    ISINELDA ang 45-anyos na karpintero matapos tangkain tagain sa ulo ang kanyang kapitbahay makaraang magalit nang hindi pinagbigyan na kantahin sa videoke ang paborito niyang kanta sa Malabon City.     Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, kasama ng biktimang si alyas “Michael”, 42,  ang kanyang mga kaanak na nag-iinuman […]