• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila RTC Judge Jaime Santiago, bagong NBI director

ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired Judge Jaime Santiago bilang director ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

 

Si Santiago ay nanumpa na sa kanyang puwesto kay Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon ng umaga.

 

 

 

Nagsilbi si Santiago sa Western Police District (WPD) mula 1979 hanggang 2000. Nagtapos din siya ng BS Crimino­logy sa Philippine College of Criminology (PCCR) mula 1978 hanggang 1988 at kumuha ng kursong Law sa Manuel L. Quezon University (MLQU-LAW) mula 1989 hanggang 1993.

 

 

Nakilala rin siya bilang isang “sharpshooter” mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT) noong panahon ng WPD at naisapelikula rin ang kanyang buhay noong 1996.

 

 

 

Naging Criminal Law professor din si Santiago sa Emilio Aguinaldo College, Philippine College of Criminology at sa Emilio Aguinaldo College. Nagsilbi rin siyang acting executive/presi­ding judge ng Regional Trial Court (RTC) sa Manila at Tagaytay, at dating Metropolitan Trial Court (MeTC) judge sa Maynila.

 

 

Agad namang nag-courtesy call sa mga opisyal ng Department of Justice si Santiago kahapon. Kabilang aniya sa kanyang tututukan sa kanyang bagong tungkulin ay ang pagsugpo ng cybercrimes at scammers sa bansa at pabibilisin pa ang pro­seso nang pagkuha ng NBI clearance.

 

 

 

Ayon kay Santiago, ilan sa marching orders sa kanya ng DOJ ay pagandahin pa ang serbisyo ng NBI at ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensiya.  (Daris Jose)

Other News
  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]

  • 3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

    INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.     Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.     Ayon kay MPD Director Brig.General […]

  • 8 Must-watch Movies with FOX Movies this January

    HAVE an incredible Hollywood experience with FOX Movies this January 2021. Here’s a roundup of 8 exciting and new movies to add to your must-watch movie list: 0% Volume The Gentlemen: An American expat tries to sell off his highly profitable marijuana empire in London, triggering plots, schemes, bribery and blackmail in an attempt to […]