• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaasahan na sasagot ang kampo ng aktres: OGIE, naghain ng counter affidavit sa cyber libel case na isinampa ni BEA

NITONG Martes, June 18 ay naghain na si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo, kasama ng dalawa niyang co-host.

 

Sa isang press statement, ipinahayag ng abogado ng online host na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na may damages laban sa Kapuso actress sa Regional Trial Court.

 

“In our seventy-page (70) Counter-Affidavit, we called out the Complainant by not clearly stating in her sixteen-page (16) Complaint-Affidavit the specific individuals who uttered the specific defamatory statements making it appear it was all Mr. Diaz who made them,” pahay ni Tongol.

 

“They even failed to show clear and convincing proof of ‘actual malice’ whether in the form of ‘reckless disregard for the truth’ or ill-motive which is a legal requirement and standard if the Complainant is a public figure,” dagdag pa ng abogado.

 

Matatandaang noong May 2 ay sinampahan ni Bea ng tatlong magkakahiwalay na reklamong cyber libel sa Quezon City Prosecutors Office sina Ogie at Cristy Fermin. Damay sa reklamo ang kani-kanilang co-hosts sa kani-kanilang online program.

 

Tumugon naman si Ogie tungkol sa reklamo ni Bea, at sinabing haharapin niya ito sa tamang panahon. At dumating na nga ito sa ginawa niyang paghahain ng kaso.

 

Inaasahan naman ang magiging sagot ng kampo ni Bea o paghahain ng kanilang reply-affidavit sa loob ng dalawang linggo.

 

Mahaba-haba pa talaga ang itatakbo ng kasong ito nina Bea at Ogie.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque

    EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.   Hindi naman nabanggit niSec. […]

  • JERIC, aminadong malaking pressure na mapiling bida sa movie ni Direk LOUIE kaya dapat lang na galingan

    NANINIWALA si Engr. Benjamin Austria, the man behind BenTria Productions, na panahon na para ilunsad si Jeric Gonzales in a solo movie kaya ito ang napili niyang magbida sa Broken Blooms.     Naniniwala ang newbie producer sa kakayahan ni Jeric bilang isang actor kaya first choice ang binata to play the lead in Broken […]

  • Lahat ng rail lines dinagdagan ang kapasidad ng mga pasahero

    PINAGUTOS ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa rail sector na dagdagan ng paunti-unti ang maximum na kapasidad ng mga trains upang makapagsakay pa ng mas madaming pasahero.   Sinimulan noong Lunes ang pagdagdag ng kapasidad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 (LRT1), at Light Rail Transit […]