• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, idineklarang Special (Non-Working) Day ang Hunyo 24 dahil sa Araw ng Maynila

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Special (Non-Working) Day ang araw ng Lunes, Hunyo 24, 2024 sa Lungsod ng Maynila.

 

 

Sa ipinalabas na Proclamation No. 599 na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na sa Hunyo 24, ipagdiriwang ng mga Manileno ang ika-453 Founding Anniversary ng Araw ng Maynila.

 

 

Layon ng proklamasyon na bigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila na magpartisipa sa okasyon at I-enjoy ang naturang selebrasyon.

 

 

Samantala, ang Araw ng Maynila ay isang espesyal na holiday sa siyudad ng Maynila, bilang paggunita saarawng pagkakahirang nito bilang kabisera ng Pilipinas.

 

 

Sa espesyal na araw na ito, ginugunita rin ang pagkakaroon ng mayaman at makulay nitong nakaraan, lalo na sa ambag nito sa kultura ng bansa. Nagbibigay-pugay rin ito sa mga kumpanya, mga opisyal at mga indibidwal na nakatulong sa pag-unlad ng siyudad.

 

 

Ang Maynila ay binubuo ng 16 na distrito: ang Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Paco, Pandacan, Port Area, Quiapo, Sampaloc, San Andres, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana, Santa Cruz, Santa Mesa at Tondo. (Daris Jose)

Other News
  • YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA

    PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni  Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.     Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]

  • First movie ng BarDa, hitik sa ‘kilig moments’: DAVID, happy na kasama muli si BARBIE at ‘di na mami-miss

    HITIK daw sa kilig moments ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na ‘That Kind Of Love’.       Kasunod ng success ng kanilang FiLay loveteam sa hit historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’, inaabangan na ng BarDa (Barbie and David ) fans ang unang pelikula nilang dalawa.     […]

  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]