• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA nagbabala sa bagong ‘text scam’ sa traffic violation

NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isang link.

 

 

 

“MMDA NCAP Office notice: Your traffic violation penalty bill is 3 days past due. Failure to pay will result in an fail vehicle registration,”ang nilalaman ng nakalap na text message mula sa sender na CASHPROM.

 

 

 

Payo ng MMDA sa pubiko, huwag mag-click ng anumang ipinadadalang link sa text message dahil isa itong scam, maging mapagmatyag at huwag ding magbigay ng mga personal at sensitibong impormasyon.

 

 

Maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga motorista sa MMDA para iberipika ang anumang mensahe sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Hotline 136.

 

 

 

Maaari rin umano silang magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng email sa digitalmedia@mmda.gov.ph, o sa pamamagitan ng social media accounts ng ahensya sa Facebook (@MMDAPH) at X (@MMDA), o tingnan ang opisyal na website nito sa mmda.gov.ph.

 

 

Matatandaang noong nakalipas na buwan lamang nang magpalabas din ng babala ang MMDA hinggil sa “No Touch Arrest Penalty” scam na batay naman sa mensaheng ipinadadala sa publiko ng mga scammers na –“MMDA No-Touch Arrest Pe­nalty Notice: Please go to go-ph.tw to pay the penalty after you have been notified that failure to pay will void your vehicle register.”

 

 

Iginiit ng MMDA na wala silang polisiya na magpadala ng text messages kaugnay sa traffic violation.

Other News
  • Kasama na bibida sina Bianca, Faith at Angel: KELVIN, labis ang pasasalamat na nakuhang pang-apat na ‘Sang’gre’

    MAGUGULAT ang marami sa role ni Carla Abellana sa upcoming teleserye niya na ‘Stolen Life’.     Tinaguriang Primetime Goddess si Carla pero totoo bang kontrabida siya sa bago niyang soap opera?     “May pagka-fantasy po itong ‘Stolen Life’ nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection.     […]

  • Bagay sa kanya at pwedeng gumawa ng comedy version: HERLENE, natupad na ang pangarap na makapag-suot ng costume ni ‘Darna’

    PASABOG ang birthday post ni Herlene Nicole Budol na kung saan proud na proud siya na nakapag-suot ng costume at natupad na ang dream niya na maging ‘Darna’.   Caption ng First Runner-up sa Binibining Pilipinas 2022 na nag-celebrate ng 23rd birthday last August 23, “Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango […]

  • 8 hindi pa bakunadong Pinoy mula China, nagpositibo sa COVID-19 – DOH

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang walong Pinoy na hindi pa bakunado kontra sa virus na galing ng China.     Ayon sa Department of Health (DOH), kasalukuyang sumasailalim sa isolation at patuloy na minomonitor ang walong indibidwal na dumating sa Pilipinas mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023 matapos masuri sa antigen test pagdating ng […]