• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘tulak’ tiklo sa Malabon, Valenzuela drug bust

SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

 

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon ang hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas ‘Tokwa’, 37, kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation kontra sa suspek.

 

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, dakong alas-9:30 ng Martes ng gabi sa Ilang-Ilang Street corner Ilang- Ilang III St., Brgy. Baritan.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price value na P34,000.00 at buy bust money.

 

 

 

Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa buy bust operation sa Ka Melanio St. corner Rincon Road, Brgy. Rincon dakong alas-2:45 ng Miyerkules ng madaling araw si alyas ‘Robert’, 53.

 

 

 

Nakuha ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600.00, buy bust money na isang P500 bill at apat pirasong P1,000 boodle money, 100 rerecovered money at itim na coin purse.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1965 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Huling Linggo ng Abril: Halos 1-M na ang total COVID case sa PH, 109 bagong nasawi

    Mula sa 9,661 kahapon, bahagyang bumaba sa 8,162 ngayong huling araw ng Linggo sa Abril ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 997,523 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Sa ilalim ng […]

  • Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal

    BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona.     Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy […]

  • Ads January 9, 2020