• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.

 

 

Sa ulat nina PSSg Levi Salazar at PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-10:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Alley-3 corner Santiago St., Sipac-Almacen.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na naglalaro ang biktima ng darts sa nasabing lugar, kasama ang kanyang mga kapitbahay nang dumaan ang suspek na si alyas ‘Darnell’, 22, casino dealer at nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa.

 

 

Sa kainitan ng pagtatalo, nilapitan ng suspek ang biktima saka inundayan ng saksak sa ulo hanggang sa magawa niyang makalayo habang naawat naman ng mga bystander si ‘Darnell’.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 ang suspek at nakuha sa kanya ang isang fan knife. (Richard Mesa)

Other News
  • Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

    TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.     Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.     Lumilitaw sa datos na inilabas ni […]

  • Binebentang karne nakaabot na sa ibang bansa: WENDELL, tahimik lang pero mukhang makabubuo na sariling business empire

    NAKATUTUWA ang actor na si Wendell Ramos dahil tahimik lang, pero mukhang nakabubuo na ng sarili niyang business empire.   Aba, kailan lang halos sinimulan ni Wendell ang kanyang business na “WenDeli Meat House” pero ang layo na pala ng nararating nito. Halos pandemic din nang mag-venture rito si Wendell at ngayon, literal na malayo na […]

  • Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas

    NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.   Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.   “Maganda […]