• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Blinken, tinalakay ang ginawa ng Tsina sa West Philippine Sea sa Philippine counterpart

PINAG-USAPAN nina U.S. Secretary of State Antony Blinken at Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo ang naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), kapwa tinawag ng mga ito na “escalatory.”

 

 

Kinondena ng Britain, Canada at Estados Unidos ang naging hakbang ng Tsina, ang bagong coast guard rules pinapayagan ito na i-detain ang mag trespassers ng walang paglilitis na naging epektibo noong Hunyo 15.

 

 

Inangkin kasi ng Tsina ang halos buong WPS kabilang na ang Second Thomas Shoal, kung saan pinapanatili ng Pilipinas ang isang warship, ang Sierra Madre, nakasadsad simula pa noong 1999 para palakasin ang soberanya na may maliit na crew.

 

 

Sinasabing, naging maasim na ang relasyon sa pagitan ng Maynila at Beijing sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa pagsuporta ng Estados Unidos sa Southeast Asian nation sa maritime disputes sa Tsina.

 

 

Naging tensyonado naman ang ugnayan ng Washington sa Beijing sa nakalipas na mga taon dahil sa mga usapin ng “Taiwan, trade tariffs, ang “pinagmulan” ng COVID-19 pandemic, giyera sa Ukraine, technology disputes at intellectual property, bukod sa iba pa.”

 

 

“Blinken and Manalo’s discussion “followed (China’s) dangerous and irresponsible actions to deny the Philippines from executing a lawful maritime operation in the South China Sea on June 17,” ang sinabi ng State Department sa isang kalatas matapos ang nasabing pag-uusap.

 

 

“Blinken emphasized that China’s actions “undermine regional peace and stability and underscored the United States’ ironclad commitments to the Philippines under our Mutual Defense Treaty,” ayon pa rin sa State Department.

 

 

Samantala, napaulat na may isang mandaragat ng Pilipinas ang dumanas ng ‘serious injury’ matapos ang naging paglalarawan ng militar bilang “intentional-high speed ramming” ng Chinese Coast Guard, layon na guluhin at gambalahin ang routine resupply mission noong Hunyo 17.

 

 

Sinabi pa ng Philippine military na dahil sa insidente ay nawasak ang vessels ng Maynila.

 

 

Pinabulaanan naman ng Coast Guard ng Tsina ang bagay na ito, ang dahilan nito ay “Manila’s vessel deliberately and dangerously approached a Chinese ship in an unprofessional manner, forcing it to take control measures, including “boarding inspections and forced evictions”. (Daris Jose)

Other News
  • Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021.   […]

  • Ads February 10, 2022

  • ‘Don’t Breathe 2’ Trailer Is Here: Stephen Lang, Reprising The Role Of The Blind Man

    THE first trailer for Don’t Breathe 2 is here and Stephen Lang is reportedly the only returning cast member from the original film, reprising the role of Norman Nordstrom AKA The Blind Man.     The original film, directed by Fede Álvarez, originally premiered at SXSW in 2016 on its way to becoming a summer sleeper hit. Don’t Breathe received a […]