• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Happy na muling makatrabaho si Jo Berry: NORA, hinay-hinay na sa pagtanggap ng movie dahil sa health

TUMANGGAP si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.

 

 

 

Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang five-star hotel sa Pasay City.

 

 

 

“Pangalawa na ‘to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ‘yung una, sa Japan kaya hindi ako nakapunta kaya nangako ako dito na pupunta ako,” pahayag pa ng National Artist.

 

 

 

Aktibo sa taong ito si Ate Guy dahil bukod sa dalawang pelikula na natapos niya (“Pieta” at “Mananambal”) na ipapalabas na, airing na rin ang episode niya sa GMA Afternoon Prime series “Lilet Matias: Attorney-At-Law” kunsaan nag-reunite sila ng “Onanay” co-star niya na si Jo Berry.

 

 

 

Happy nga raw si Ate Guy sa nangyayari sa career ni Jo. Hindi raw ito nagbago kahit sikat na ito.

 

 

 

 

“Magaling pa rin, at saka mabait pa rin, bungisngis nang bungingis. Tungkol naman sa teleserye, okay naman, wala namang problema, natapos naman ako sa oras na sinabi nila. Maganda yung show.”

 

 

 

Umaasa ang mga modern-day Noranians na gumawa pa ito ng maraming pelikula. Pero ayon kay Ate Guy, hinay-hinay lang siya dahil na rin sa estado ng kalusugan niya.

 

 

 

“Pinag-iisipan pa kung anong istorya ‘yung babagay. Okay naman ako. Kaya lang minsan, dahil nga doon sa nakaraan na lagi akong na-o-ospital, pero ngayon okay naman ako, wala namang problema.”

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads September 6, 2022

  • Ads January 20, 2024

  • Bulacan, tumanggap ng 900 doses ng Sinovac na bakuna

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang maingat na pagpaplano at paghahanda para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III ng 900 doses ng COVID-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong araw.     Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres […]